Entry # 152: PatPot (Romance/Tragedy)

658 0 2
                                    

Sa panahon natin ngayon,  hindi na tinitingnan ang personality. Karamihan ‘looks’ nalang ang hanap. Yung tipong may maipag-mamayabang ka sa mga kaibigan mo kapag may alis o gimik kayo. Benta agad kapag maganda o gwapo ka. Pagdating naman sa size wala na agad laban kung ikaw ay mataba o mapayat. Aminin natin na mas type natin yung mga babaeng ‘sexy’ at mga lalaking may ‘abs’ at kulang nalang pumutok ang muscles sa sobrang tigas.

 

Ang last entry na isinumbit ko sa isang contest na sinalihan ko. Si Pat kaya ano yung sinulat niya? Feeling ko tungkol na naman sa pagkain. Halos lahat ng entry niya tungkol sa pagkain hahaha.

 

Sabi nga ni Pat:

“Habang tayo ay bata pa at sa tingin mo hindi pa matatanggal ang mga ngipin mo, gorabells lang! Kain lang ng kain! Ikaw din nasa huli ang pagsisisi.”



Nandito na ako sa tapat ng bahay ni Pat at hindi ko na kelangan pa kumatok dahil ganitong oras naman ako lagi pumupunta dito. Wala naman problema kung lagi ako nandito. Wala naman maninita sa amin.



“Good morning Pot! Tara pasok ka, maraming pagkain sa loob. Hahaha!”



Si Pat yung babaeng parang laging naka-inom ng extra-joss sa sobrang pagka-hyper. Basta sa pagkain mabilis yan.



Magsasalita palang ako pero inunahan na niya agad ako.

 

“Hoy Payat! O ano wala kang balak pumasok? Dito nalang tayo? Grabe ka naman tuwing pupunta ka nalang dito sakto naman na susubo ako ng kanin haist! Panira ka naman ng moment ko eh! Halika na kasi. Oo na alam ko na maganda ako wag mo na ipa-alala sa akin.”

 

Si Pat yung babaeng parang machine gun ang bunganga sa sobrang daldal. Yung hindi nauubusan ng salita. Yung tipong may masabi lang siya kahit walang connect sa topic. Siya din yung klase ng babae na sobrang taas ng confidence sa sarili.

 

Hinatak na ako ni Pat papasok sa loob at walang duda parang fiesta na naman ang lamesa niya.



“Pot, paano kaya kung pumayat ako? May magkakagusto kaya sa akin?”



Si Pat yung babaeng bigla nalang magiging seryoso. Bigla nalang magtatanong ng kung anu-ano.



Huminto muna ako sa pagkain at tiningnan siya ng seryoso sa mga mata. Sa araw-araw na pagtatanong niya sa akin, alam na din niya ang sagot ko sa kanya.



“Wag kana magsalita Pot, kumain kana lang diyan para maging mataba ka din! Mukha kana bangkay diyan sa sobrang payat mo.”

 

Si Pat taba nagdrama na naman.

 

“Alam mo Pat, hindi mo kelangan baguhin kung ano yung sarili mo para magustuhan ka ng ibang tao. Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo dati? Wala akong pakielam kung mataba ka, mahal kita eh. Tanggap ko kung ano at sino ka. Lagi mo tatandaan yan.”




Sabi nga ni Pat:

“Atleast sa lechon walang tapon! Kesa naman sa hipon tapon ulo! Che!”





Okay na ako sa ganito.





Walang nanglalait sa amin.





Palagi kaming magkasama.






At higit sa lahat.






Nagagawa na namin ang mga bagay na hindi namin nagawa noong kami ay nabubuhay pa.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon