Entry # 150: His Gift (Romance/Spiritual)

676 2 1
                                    

Minsan, sa buhay natin, may mga bagay na kusang dumadating kahit hindi natin hilingin. Katulad ni Chess, hindi ko naman siya hiniling kay Lord pero ipinagkaloob siya sa akin. Nakilala ko siya sa simbahan kung saan ako ay miyembro ng choir, baguhan lamang siya noon, ngunit mas matanda siya sa akin ng 3 taon. Mabuti siyang tao, at iyon lang ang masasabi ko, hindi ko na kailangan pang ilarawan ang pisikal niyang anyo dahil hindi naman iyon ang batayan kung mahal mo ba ang isang tao. Isa siya sa mga ideal na lalaking gusto ko, simple, mabuting tao, at higit sa lahat, may takot sa Diyos. Nagsimula sa pagiging magka-miyembro sa choir, nagging magkaibigan, at nauwi sa pag-iibigan nang higit pa sa pagkakaibigan. Hindi man siya perpektong tao pero perpekto kami sa isa’t-isa. Pero alam niyo ba ang pinakamalaki kong utang na loob sa kanya? Iyong panahon na idineretso niya ang paliko kong landas. Napalayo ako noon sa Panginoon, naging idolater ako. Tinulungan niya akong itigil iyon at muling magbalik loob sa Diyos. Ang Diyos ang naging sentro ng relasyon naming dalawa, naalala ko pa noong una naming buwan ng pagiging mag-nobyo at nobya, ang una naming ginawa ay nagsimba at hiningi ang basbas ng Panginoon.

“Bilisan mo, Gumi. Male-late na tayo sa unang misa.” Sabi pa niya sa akin dahil sobrang bagal kong kumilos at sobrang tagal kong mag-ayos.

“Oo, sandali na lang. Pangako.” Tugon ko.

“Sige, maghihintay ako sa labas. Pagkatapos ng sampung minuto ay tapos ka na dapat.” Dugtong pa niya.

“Sige.” Sagot ko at narinig ko na lang na sumara ang pinto ng kwarto ko.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako at nakita ko siyang naghihintay pa rin kahit ang tagal ko.

“Tara na. Late na tayo.” Mahinahon niyang sabi at saka niya ako pinasakay ng sasakyan niya.

Sinadya pa namin noon na umaga magsimba para lang makaawit sa hapon, hindi kami puwedeng lumiban dahil natatakot akong baka matanggal kami. Tumagal ang relasyon namin ng 3 taon, hindi maiiwasan ang pagtatalo, pero napapatawad naman namin ang isa’t-isa. Ang Diyos nga nagpapatawad, tayong tao pa kaya? Pinuno namin ng masasayang ala-ala ang bawat sandali na kami’y magkasama, ngunit nang dahil sa isang pangyayari, hindi na naibalik ang dating kami… wala na siya, iniwan na niya ako, sumama na siya kay Lord. Pilit ko pa noong tinatakasan ang katotohanan na wala na talaga siya, at hindi na siya babalik kahit kailan. Palagi kong kinakausap ang litrato niya, pinuntahan ko ang mga lugar na gusto naming puntahan noon habang nabubuhay pa siya. Pero kahit wala na siya, tinupad ko pa rin ang pangarap naming dalawa—ang magkaroon ng sariling bahay, pero nabigo ko pa rin siya. Hindi naming nakamit ang bagay na pinangarap naming dalawa—ang magkaroon ng sariling pamilya. Sobrang namimi-miss na kita, Chess. Sana masaya ka na diyan sa piling ng ating Panginoon, huwag kang mag-alala, hindi magtatagal at magkikita din tayo. Ikaw ang pinakamalaking blessing na natanggap ko.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon