Entry # 134: Hello DJ (Romance/Tragedy)

685 2 1
                                    

“Hello DJ?”



“Hello, good evening may I know who this is at kung ilan ang taon, saan nakatira at kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon?”



“I’m Trish, twenty.”



“Ah, Trish... Nasan ka ngayon at anong pinagkakaabalahan mo Trish?”



“Saan?” Nilingon ko ang paligid ko at napangiti ng mapakla, “Nasa ospital. At wala akong ibang ginagawa bukod sa humiga. Nakakatawa diba?”



Tumikhim naman ang boses na nasa telepono,  “O-okay. Ano po ba ang kwento mo Trish?”



Kinagat ko muna ang labi ko at lumunok, “I-I had a boyfriend for four years. We had this relationship everyone would think that would last until forever.” Nanggigilid ang mga luha ko pero hinayaan ‘yon, “W-we even decided to get married after my graduation.”



“Then out came from nowhere, nagpakita sa kanya ang ex niya with a kid. A-anak niya daw ito.”



“Kaya ka nakipaghiwalay sa kanya dahil may anak siya?” Umiling ako kahit na alam kong hindi niya makikita iyon. “Tanggap ko ang bata kahit a-ano pa ang mangyari kasi..” Kinagat ko ulit ang labi ko at hinawakan ang kaliwang dibdib ko, “..kasi mahal ko siya.”



“Bakit ka ba nakipaghiwalay sa kanya?”



Bumigat ang damdamin ko at hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. Tinakpan ko ng puting kumot ang maingay na makinang nasa tabi ko. “H-hello?” sabi nung DJ.



“Sorry po.” Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang puting unan na yakap ko, “I-I was rushed by my parents to the hospital kasi bigla akong nawalan ng hininga at di na daw tumibok yung p-puso ko.”  Huminga ako ng malalim dahil bakas na sa boses ko ang panginginig nito. “The doctor said I.. I have aneurysm. A-and I broke up with him because of it.” This time, naririnig ko na talaga ang hikbi ko sa radyong nandito, “H-he doesn’t deserve someone sickly like me. Pabigat lang ho ako sa kanya pero alam kong aalagaan siya ng mag-ina niya—“



“B-but don’t you realize na nasaktan siya sa ginawa mo?” Narinig ko ang pagkatigas ng boses niya kaya tumawa ako habang umiiyak na, “Hindi ako tumawag para manghingi ng advice. Gusto ko lang makausap ang DJ,” ngumiti ako kahit na bumibigat na ang paghinga ko. “W-well, today’s my operation anyway, DJ.” Pakiramdam ko mawawalan na ako ng lakas pero nagsalita pa din ako, “Pwede na ba akong magmessage sa ex-boyfriend ko po?”



“Y-yes.”



“Calvin, I’m.. I’m sorry for breaking you.. I still and will love you.” Narinig kong nagmura ang DJ sa kabilang linya at may kinausap siya, “H-hindi ako magsasawang sabihin sa ‘yo kung gaano kita kamahal..”  Sumagap ako ng hangin dahil parang hindi ako makahinga, “..H-hanggang sa huling hininga ko,” Narining kong tinawag ang pangalan ng DJ at naputol ang linya. Ibang boses na ang nagsalita at nagplay ng music.



Sa wakas, nasabi ko na din sa kanya ang totoo.



Maya-maya’y narinig kong may nagkakagulo sa labas at bumukas ang pinto.



“Patricia!!”



Tumingala ako para makitang lumuluha ang pinakamamahal ko’t ngumiti sa kanya.



“C-Cal..vin..” at pinikit ko na ang mga mata ko.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon