Entry # 168: 100 Planes (Romance/Tragedy)

590 1 6
                                    

May narinig akong eroplanong dumaan. Napangiti ako at tumingin sa langit. “99th plane...” Yes! Isang plane na lang at mahahanap ko na ang soulmate ko

“Riana!” Lumingon ako at nakita ko ang pogi kong classmate/bestfriend/crush ko. Oo, ang dami niyang role sa buhay ko. Pero kahit na bestfriend ko siya, hindi niya naman alam na may gusto ako sakanya kaya safe ang pagkakaibigan namin.

“Oh bakit?” tanong ko kay Roy habang pinagmamasdan siyang  naghahabol ng hininga niya. Ang pogi talaga nang bestfriend ko. Tsk.

“Alam kong pogi ako kaya tumigil ka na sa pagtitig sakin.”

“Tse! Manahimik ka diyan! At pwede ba? Tanggalin mo ang pagkaka-akbay sakin dahil amoy pawis ka!” sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya.

“’Di hamak na mas mabango ang pawis ko kesa sayo no!” Sumimangot ako.

“Pang-ilang plane mo na ba?” Pag-iiba niya ng topic. “Hmmm... Pang 99th ko na, bakit?” Tiningnan ko siya.

“A-ah, wala lang.” Sabi niya habang kinakamot ang batok at nakatingin sa ibang direksyon.

“Ang cute mo talaga!” nanggigigil kong sabi at pinisil ang pisngi niya. Tumakbo agad ako. “RIANA!” Wala akong ibang ginawa kundi ang tumawa habang tumatakbo.

-------------------------

Naglalakad ako sa hallway habang humihika.  “Riana! Nandito ka lang pala!” Nakita ko si Mich. “Bakit? May problema ba?” Tanong ko.

“Wala naman. Pero pwede bang pa favor?”

“Ano bang favor yan?”

“Pwedeng pasuot nitong blindfold? Gusto ka kasi namin sorpresahin sa aming booth.”

Booth? Napatingin ako sa paligid ko at doon ko lang napagtanto na Valntine’s Day pala ngayong araw. Ngumiti ako kay Mich at tumango.



Tinanggal ni Mich ang blindfold at nagulat ako sa nakita ko sa harapan ko. Wow! Ang daming hearts at teddy bears!

“Riana! Si Roy ‘to!” Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses niya pero di ko siya makita dahil sa dami nang tao. Asan ba si Roy?

“Tumingin ka sa taas Riana!” Tumingin ako sa taas at nagulat ako nang may makita akong helicopter at sa loob nun ay si Roy. Napangiti ako sa ginagawa niya and at the same time I can feel excitement dahil sa tagal nang panahon dumating na ang pinakahihintay ko.

“May sasabihin ako sayo, at ipapahiwatig ko yun sa 100th plane nating dalawa.” Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na nagbibilang siya ng eroplano at ika 100th na niya din.

Biglang may lumitaw na eroplano at ito ang ika 100th plane ko, and also his, and it also means na makikita ko na ang soulmate ko, or rather nakita ko na.

Sa likod ng eroplano ay may banner na may nakalagay na Will you be my girlfriend?’. Napaluha ako ng wala sa oras.

“Will you be my girlfriend Riana?” Rinig kong tanong ni Roy.

Sasagot na sana ako nang biglang sumalpok ang helicopter na sinasakyan niya sa eroplano kanina. Nakita ko, nasaksihan ko kung paano pumutok ang helicopter na sinasakyan ni Roy. Wala akong ibang magawa kundi lumuhod at umiyak habang ang ibang tao ay nagsisigawan sa nasaksihan.

“Yes Roy, pumapayag akong maging girlfriend mo...”

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon