Entry # 77: Hagupit ng Pag-ibig (Romance/Fantasy)

1K 2 6
                                    

Kailangan ko ba talaga siyang labanan? Hindi ko kaya! Hindi ko kayang saktan yung taong mahal ko!

Nandito ako ngayon sa arena kasama ang taong mahal ko. Kami ay isa sa mga napili upang maging pagapagligtas ng mundo at isa lang sa amin ang papalarin. Pero bakit ang manhid niya? Hindi niya man lang napapansin yung mga ginagawa ko para lang pasayahin siya. Yung paggising sa kaniya tuwing umaga, ang paghahatid sa kaniyang silid-aralan, ang pagbibitbit ng bag niya. Ano ba ang dapat kong gawin para malaman niyang mahal ko siya?

"Lucas, gawin mo ang lahat para matalo ako at ganun din ang gagawin ko." Wika niya na seryoso at talagang handa ng sumugod.

"Oo Lucia, kaya ihanda mo ang iyong sarili." Wika ko at binigyan siya ng aking nakakalokong ngiti.

"Ewan ko sayo!" Wika niya at nagsimulang sumugod. "Bugso ng katubigan!" Aniya at namuo ang malaking bolang tubig sa kaniyang kamay at tsaka inihagis sa akin.

"Hagupit ng hangin!" Wika ko naman at nagpakawala ako ng limang malalaking talim na gawa sa hangin kaya hindi niya ito nakikita. Apat dito ang tumalo sa kapangyarihan niya habang yung isa naman ay dumaplis sa kaniyang braso kaya pakiramdam niya'y nilatigo siya. Dali-dali ko siyang nilapitan dahil hindi ko naman gustong masaktan siya.

Malaki pala ang pinsalang nagawa ko sa kaniyang braso kaya dumadaloy mula rito ang masaganang dugo. Pilit niya itong pinapahinto gamit ang kaniyang kamay ngunit patuloy pa rin ito sa pag-agos.

"Sorry Lucia kung nasaktan kita." Wika ko habang nakaluhod sa harapan niya. Napasalampak kasi siya sa sahig sa sobrang sakit.

"Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko pa." Pagpupumilit niya kahit na namamalipit na siya sa sakit.

"Iyan kasi, ang manhid mo! Akala ko tuloy wala kang pakiramdam." Biro ko sabay haplos sa kaniyang buhok.

"Anong manhid? Torpe ka lang! Hinihintay ko lang naman na sabihin mong mahal mo ako." Wika niya kaya napangiti ako ng todo at bakas sa mukha niya ang pamumula nito.

"I love you." Wika ko sabay hagod ng aking palad sa kaniyang pisngi.

"I love you too!" Wika niya at halos pumalakpak ang aking tainga sa kilig. At kaagad na naglapat ang aming mga labi. Pakiramdam ko'y nasa alapaap ako. Ako na yata ang pinakamasaya ngayong araw na ito.

"Salamat sa hagupit ng pag-ibig." Wika ko at niyakap ko siya.

Walang nanalo sa laban namin at pareho kaming natanggal. Kahit na ganun, masaya ako kasi kapiling ko naman na ngayon ang taong mahal ko.

"Tara na lampa, dadalhin kita sa klinika." Wika ko ng may halong pang-aasar.

"Oo na, lampa na ako! Payatot ka naman!" Wika niya at labis akong tinutuya.

"Payatot nga, mahal mo naman." Wika ko at binuhat ko siya na pang kasal. Kita ko sa mukha niya ang ibayong pagkakilig.

"Sana magtagal kami kahit na walang forever." Wika ko sa aking isipan at nilisan na nga namin ang arena at dumiretso sa klinika.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon