Entry # 160: Luha (Romance/Tragedy)

567 1 4
                                    

"Hoy, tara na sa internetan!"

 

"Oo nanjan na, leche naman oh!"

 

Ilan lang yan sa mga linya na maririnig mo sa mga kabataan ngayon. Gaya ng magkakaibang Totoy at Alex. Parehong adik sa pagcocomputer at walang humpay sa paglalaro. Mayaman sila, sadyang ayaw lang nila umasa sa magulang.

 

"Oh Toy, panalo ako. Ako na ang puporma sa kanya ha." nakangising turan ni Alex kay Totoy.

 

"Tsk. panalo ka eh. Magagawa ko."

 

Gaya ng napagkasunduan ay naging si Alex at Mary. Naging masaya sila sa isa't-isa.

 

Isang araw ay biglang sumulpot si Mary sa Cafe.

 

"Oh, sinusundo kana ng girlfriend mo pre!" saad ni Totoy. Lumingon naman si Alex.

 

"Alex umalis na tayo ipagkakasundo daw ako nila mommy sa iba." naiiyak na sabi ni Mary.

 

"Hindi pwede, kailangan ako ng pamilya ko. Baka pwede pagusapan natin to?" nagaalinlangan si Alex.

 

"Akala ko ba mahal mo ako!"

 

"Oo mahal kita pero mahal ko rin ang pamilya ko!"

 

Hindi matanggap ni Mary na tinanggihan siya ni Alex. Umiiyak siyang lumabas ng Cafe at nagmamadaling sumakay sa kotse at agad na umalis.

 

Sa kabilang banda ay napahinga ng malalim si Alex. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon si Mary.

 

Umuwi siya na pagod sa paglalaro dagdagan pa ng nangyari kanina.

 

kringg..

 

"Hello, this is PO1 Dela Cruz speaking. Isinugod si Mary Montelibano sa xxx Hospital. Nabangga po ang kotseng sinasakyan niya..." Hindi na niya ito pinatapos ay agad siyang napasugod sa ospital.

 

"Mary Montelibano." "Currently ay nasa ER pa po sir." tumakbo siya agad doo silently praying na sana ok lang siya.

 

Naghintay siya ng mahigit 4 na oras ng lumabas ang doktor na umiiling. "We're very sorry ijo pero malala ang pagkakabangga niya. Excuse me." sabi ng doktor.

Hindi niya matanggap na dahil sa pagtanggi niya sa alok nito ay siyang kahahantungan ng kasintahan. Hindi niya akalain na ganun kadali mawawala ang mahal niya. Napahagulhol siya sa sahig, nagsisisi sa ginawa niyang pagtangi dito. Mahal na mahal niya si Mary pero ngayon ay wala na ito sa piling niya.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon