Entry # 83: Labing Isang Numero (Romance/Non-fiction)

1K 1 6
                                    

143, para daw yan sa mga nagmamahal. Tatlong numerong mahalaga. Pero sa kaso ko, hindi 143 ang naging tulay ng aming pagmamahalan.

"Ligawan mo na kasi." Nanatili lang ako'ng tahimik at tinitigan siya.

"Ang torpe naman kasi. Sa lahat ng kapatid ko, ikaw lang ang torpe sa'tin." Tuloy pa niya. Wala naman akong maisagot sa kanya dahil totoo naman ang mga 'yon.

"Dessa manahimik ka nalang kung wala kang magandang sasabihin." Iiwanan ko na sana siya nang bigla siya'ng nagsalita.

"Oh number niya. Best friend ko naman yun kuya Dave kaya wag ka nang mag-alangan." Inabot niya sa'kin ang isang pilas ng papel. Halatang isinulat lang 'yon ng madalian.

Sa una, nag-aalangan ako. Pero sa huli, nakumbinsi ko rin yung sarili ko na i-text siya.

"Ito na." Sabay hingang malalim at pinindot ang 'send' button.

 

To: Chesca

Hi. :)

 

Nagsimula sa isang 'hi' pero hindi ko inaasahan na madudugtungan pa 'yon. Gabi-gabi kaming magkausap sa telepono, lagi din kaming magkasama sa school. Sa anim na buwan naming magkakilala, naging close kami kahit sa dalawang buwan na pag-uusap lang.

"Dave, dalawang linggo nalang ga-graduate na tayo. Ano nang plano mo?" aniya.

"Sa totoo lang wala pa'kong plano. Maghahanap nalang siguro ako ng trabaho. Eh ikaw?"

"Wala rin eh. Haha. Halika na nga umuwi na tayo." Sabi niya at hinila niya ako. Napatitig naman ako sa kamay naming magkahawak. Ang sarap sa feeling. Pero parang mahirap mag assume.

Nagdaan ang graduation namin at nakahanap din ako ng trabaho. Ganun din naman si Chesca.

Sa araw ng graduation namin, tinanong ko siya kung papayagan niya ako'ng manligaw sa kanya. Sa una parang nagulat siya pero agad iyong napalitan ng ngiti. Di ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman. Kinikilig din ako. Di ko inaasahan ang sagot niya noon.

Sinasagot na kita.

Naikwento ko ang pangyayaring 'yon sa kapatid ko at sinabi niyang may gusto na rin pala sa'kin si Chesca nung mga panahong binigay nito ang number niya sa'kin.

Naging magkarelasyon kami at ngayon, 11th monthsarry na namin.

"Pauwi na'ko. On the way na'ko baby." nag-uusap kami habang nagmamaneho ako ng sasakyan.

"Sige ingat. Hintayin kita Happy 11th monthsarry."

"I love you" yan na lamang ang nasagot ko at binaba ko na ang tawag.

To: 11Cheska.

Happy monthsarry baby.

Sent.

Pahabol ko pa.

 

Isang rumaragasang sasakyan ang bumunggo sa sasakyan ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Nawala ang lahat sa'kin.

Natapos ang love story naming Labing Isang Numero ang dahilan.




Chesca’s POV

 

Nagdaan na ang ilang taon. Hindi ko pa’rin siya makalimutan.

 

“Mama..”

 

“Baby kakain na tayo ah.Sandali lang baby.”

 

Noong araw na iyon napagdesisyunan ko na ipagtapat sa kanya na dalawang linggong buntis na ako. Sobrang saya ko. Isasabay ko pa sana ang isang napakagandang balita kay Dave.

Pero sa isang iglap. Iniwan niya ako. Naaalala ko pa ang unang text niya sakin, at ang huli. Nagsimula sa Labing Isang numero at nag bunga ng isang napaka-gandang biyaya. Biyaya na paka-iingatan ko habang buhay. Ang aking anak.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon