Entry # 84: It's So Good to be True (Romance/Humor)

1K 0 8
                                    

"I love you Cherry," seryosong wika ni Brian na nakatitig sa kanya. Nakaupo sa lilim ng puno sa ibabaw ng mababang burol. Araw ng sabado, wala silang magawa kaya naisipan nilang mag picnic at ang dalaga ang nagluto ng baon nila. Mahigit isang buwan na rin silang magkasama sa trabaho bilang agriculturist sa Baguio.

Sinipat ni Cherry ang kanyang wristwatch. "Alas nueve pa lang ah, may lahi kang chinese?" But deep inside she was elated. Gustong kumawala ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok nito.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Seryoso ako Cherry."

Nakipagtitigan siya. Seryoso ang mokong. 

Dahan-dahang inilapit ng binata ang mukha nito sa kanya ngunit isang malakas na busina ng sasakyan ang pumukaw sa kanila.

Storbong anak ng mga etchoserang frog. Kung kailan dadampi na eh. Himutok ni Cherry.

"Brian babe!" Sabi ko na nga ba nandito ka eh," sigaw ng babae sa ibaba ng burol.

"Hi Mitch!" Bati ni Brian. Bumababa ito para salubungin ang mga "Istorbo."

Isip bata na kung isip bata, pero di ako makikipagplastikan.

Tumayo rin ito at mabilis na naglakad pababa, pero 'di siya na-control ng mga paa niya kaya pasubsob siyang nakarating sa baba ng burol. Nagliparan ang damo at alikabok sa paligid niya. 

Nang makahuma ay agad siyang tumayo at tumakbo palayo sa kanila. Nakataas pa ang kanyang kanang kamay na animo'y si Darna. Nakarinig siya ng tawanan.

Sampung minuto ang nakalipas nang makarating siya sa tinutuluyang bahay. Sumunod naman na dumating sina Brian kasama ang limang bisita. Pagkatapos ipakilala sa kanya ang mga "panauhing pandangal" ay siya rin ang naghanda ng pagkain nila.

"What's this?" Maarteng tanong ni Mitch.

"It's preytong sardeyns with eygg and potato," maarteng sagot niya.

"Are sardines healthy?"

"May nabalitaan ka na bang sumakit ang tiyan, dinala sa hospital nakaratay ng isang taon at natigok dahil sa sardeyns and eygg?" Tanong niya. "Huwag ka kasing mapili sa pagkain, kaya ka payat. Naghahapunan na kami, nag-aalmusal ka pa lang." Prangka nito.

Tawanan ang lahat sa sinabi nito.

"You're so rude, ganito raw kasi ang gusto ni Brian na katawan. Di ba babe?" Anito sa malambing na boses.

Nginitian lang ito ng binata, saka tumingin sa direksyon niya.

Nagtama ang kanilang paningin at kumindat ito sa kanya. Inirapan lang niya ito.

Pagkatapos kumain ay nagsilayas ang mga bwisita para mamasyal sa bukirin. Naiwan siyang nagliligpit sa pinagkainan nila.

Nagulat siya ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

"Hoi, lalaki! mahal mo ba ako o nilalandi mo lang ako? At sino 'yung anorexic babe na yun?" Tanong ng dalaga na kumawala sa pagkakayakap ni Brian sa kanya at humarap siya rito.

Tumawa nang malakas ang binata. Ito ang nagustuhan niya sa babaeng ito, prangka at walang kaartehan.

Hinawakan nito ang balikat niya.

"Kaibigan ko lang 'yun. At seryoso ako sa'yo, mahal mo rin ba ako?"

Sasagutin niya sana ito pero nagbago ang isip niya.

"Ligawan mo muna ako, i-date, bigyan ng bulaklak at kapag..." Bigla siyang hinapit sa baywang at siniil ng halik sa labi.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon