Entry # 167: Your Love Keeps Me Alive (Romance/Tragedy)

555 0 3
                                    

Hindi ko Akalaing

Sa loob ng kwarto na kung saan nabuo ang maraming ala-ala ng, tawanan, kulitan, baliw-baliwan, asaran, kalungkutan at galit

Ang siyang kuwarto rin na magsasabi ng katapusan ng lahat ng binuo namin.

“I’m very sorry, 4th year- Hope, 39 na lang kayo…” mangiyak-ngiyak na sabi ng adviser namin.

Huh? Sinong umalis? Paano? Hindi ko na naiintindihan, pakiexplain naman sa akin oh.

“Nag-drop na si Rey.” Parang nagpanting yung tenga ko pagkarinig ko ng sinabi ni Ma’am. Hah? Bakit naman???

Napuno na ng bulungan at iyak ang room namin. Lahat nagtataka sa nangyayari. Including ME.

Ayoko man ng mga nangyayari ngayon pero kailangan kong itanong ang dahilan kung bakit siya nagdrop.

“Ma’am, bakit po siya nagdrop?” Shit. Ayoko ng feeling na ganito. Please. Give me a valid reson to leave Rey. Yan na lang ang huli kong hiling para medyo matakpan ng pang-unawa ang sakit ng pag-alis mo at pag-iwan sa akin.

“Sabi niya, sawa na raw siya sa buhay niya rito. Sorry class.” At tuluyan nang umalis sa room naming ang adviser namin.

At ang mga katagang yun ang tuluyan nang sumira sa durog-durog kong puso.

“Ano? Sawa na siya?? Sa paanong paraan? Ha? Sabihin niyo nga sa akin….. Minahal naman natin siya diba?? Minahal ko rin siya, ng buong-buo pero ano pa ba itong binigay niya sa akin? Puro sakit! Shet! Ayoko na!!!!! Mamatay ka na sana Rey!”

Hindi ko na kinaya, tumakbo na ako palabas ng room namin, at dumiretso na ako plabas ng gate. Malayo sa lugar na nagdadala ng sakit sa akin.

Halo-halo na yung nararamdaman ko, lungkot, sakit, pagkamuhi, pero sadyang nangngibabaw ang galit ko para sa kanya.

Akala ko ba walang iwanan?? Siyana lang ang meron ako, tapos iiwanan niya ako? Ano ito gaguhan?  Mamahalin tapos iiwan?

Unti-unti kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko at sumund doon ang paghirap ng paghinga ko.

Shet! Inaatake na naman ako ng sakit ko…

Hah…. Hah…. Hin—di k—o n—a ka---ya…

Nasaan na ba yung gamot ko?? Kailangan ko makainom ng gamot ko ngayon! Tinaktak ko na yung bag ko pero wala pa rin…

Paano na ako?

Ay, oo! May malapit na botika dito…

Nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Eto na, malapit n------ *Piiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiip*

*Screeeeeeeeeeech*

*Booooooooooogsh*

Hindi ko na maintindihan yung mga nnangyayari sa paligid ko, may mga tao nang nag-iiyakan at nagsisigawan, may mga nakaputi na ring lumapit sa akin at binuhat ako.

Mga anghel siguro sila. Sinusundo na siguro nila ako..

 

Breaking news

Babaeng inatake ng heart disease at nasagasaan, patay.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon