Entry # 122: Shapeshifter (Romance/Fantasy)

660 1 3
                                    

May umalingangaw na isang tinig ng asong puno ng pagluluksa sa bahay ng pinakamagandang babae sa bayan.

Siya si Ana. Si Ana ay isang dalagang kinahuhumalingan ng lahat ng lalake at kahit saan man siya magtungo ay hindi maiwasan na siya ay mapagsamantalahan.. ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila may kung sinu ang darating para siya'y tulungan. Minsan isang malaking ibon o di kaya'y isang malaking tao ang tumataboy sa mga lalakeng mapagsamantala sa kanyang katawan.

Isang araw ay nakapitan nang isang malubhang sakit si Ana. At lahat ng tao sa lugar nila ay pinandirihan siya.

At makalipas ang ilang araw pagkatapos niyang magkasakit ay may dumating sa bahay niya at ito'y isang malaking aso.

"Kamusta, bakit mukhang pagod ka? gusto mo kumain?" tanong ni Ana sa aso.

Kumuha si Ana ng pagkain para sa aso.

At simula noon ay inalagaan niya ang aso at pinangalanan niyang Douglas.

Dumating ang araw na kinain na ng sakit ang lakas ng katawan ni Ana at kahit pagtayo sa higaan ay hindi na niya magawa."Douglas pagpasensyahan mo na pero hindi na kita mapapakain, malaya kang umalis at maghanap ng bagong magmamayari sayo."


At bago pa man matapos ni Ana ang kanyang sasabihin ay laking gulat nito nang makita na ang asong inilagaan niya ay may kinakaladkad na balde ng tubig na maiinom.

"Gusto mo akong alagaan Douglas?" paiyak nitong saad sa aso

At nagkagayon ay inalagaan ng aso ang kanyang pinakamamahal na Amo. Pinainom, pinakain at binantayan sa bawat araw na nagdaan.

Lingid sa kaalaman niya na ang asong inalagaan niya ay isang nilalang na umiibig sa kanya bago pa man siya nagkasakit.

Isang nilalang na nagmahal ng lubos at ng walang kapalit.

At bago mawalan ng buhay si Ana ay may sinambit ito sa aso.

"Salamat sa pagbabantay at pagaalaga mo sa akin" Wika ni Ana sa Aso niyang si Douglas

At ang aso ay nagpalit anyo sa isang tao at sinabi kay Ana.

"Mahal na mahal kita, at sapat na sa akin na ako lang ang nagmamahal sayu dahil makita ko lang ang iyong ngiti ay masayang masaya na ako" At may umalingangaw na isang tinig ng asong puno nang pagluluksa sa bahay ng pinakamagandang babae sa bayan.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon