Entry # 101: ANG BABOY KO (Romance/Humor)

956 6 12
                                    

"Baboy, baboy, nasaan ka na? Baboy, baboy, nasaan ka na?" Pagkanta ko habang naghihintay sa kawalan.

 

Argh! Nakakagutom! Gusto ko nang kumain pero hindi ko mahanap ang baboy ko. Kanina ko pa iyon, hinahanap pero ko talaga siya mahanap.

 

"Crystal, alam mo ba kung nasaan ang baboy ko?" Agad kong tanong sa kapatid ko pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay.

 

Kumunot ang noo niya. "Ang baboy mo kamo? Ay naku, di ko alam kung nasaan ang baboy mo."

 

Napasimangot ako. Nagugutom na talaga ako at gustong gusto ko nang kumain pero hindi ako makapagluto kasi wala nang stock sa bahay. Kung bibili naman ako, wala namang tricycle na bumabyahe papunta sa bahay kasi medyo malayo sa entrance ng subdivision sa bahay namin.

 

"Baboy ko! Nasaan ka na?!" Sigaw ko.

 

"Hoy, Crysty, ano ang sinisigaw mo riyan?" Sita ng kapatid ko..

 

"Hinahanap ko lang ang baboy ko, Kuya. Di ko mahanap eh."

 

"Iyong baboy mo?" Tumawa siya.

 

"Oo, Kanina ko pa iyon hinahanap pero di ko talaga mahanap eh.” Kinamot ko ang ulo ko.

 

"Baka may nakakuha na sa baboy mo."

 

"Kuya naman eh!" Agad akong tumayo dahil baka saan pa mapunta ang usapan namin ni Kuya.

 

Naman oh! Nasaan na ba ang baboy na iyon? Nakakainis talaga. Mukhang pinagtaguan na talaga ako ng baboy ko ah. Kapag nahanap ko talaga ang baboy... Ay, humanda talaga kung sino ang kumuha niyon.

 

Biglang nagliwanag ang mukha ko kung saan naroroon ang baboy ko. Lumabas ako ng bahay at agad na nagtungo sa kabilang bahay.

 

"Tao po!" Kumatok ako sa pintuan ng di-kalakihang bahay. "Tao po!" Tatlong minuto na ako nakatayo sa pintuan at kumakatok pero wala pa ring sumasagot. Napagdesisyunan kong pumasok na lamang dahil ninang ko  ako ang may-ari at palagi akong pumunta rito kaya hindi na sila magtataka kung may nakapasok na tao sa bahay nila.

 

Nang makapasok ako sa bahay ay agad kong nakita ang baboy ko. Napangiti ako! Hayon! Natutulog siya sa kama! Ang baboy ko talaga, ang cute cute kapag natutulog! Kaya nga mahal na mahal ko ito.

 

Agad naman itong nagising nang maramdaman ang presensiya ko. “Baboy ko!”

 

“Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na hindi ako baboy, tao ako!” Pagdidiin niya sa salitang tao at nakita kong nag-iba ang ekspresyon  niya. Halatang nainis ko siya.

 

“Alam ko po. BABOY KO para mas cute kasi mas mahaba kung BABY BOY.”



Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon