Entry # 162: Another Bad Day (Romance/Tragedy)

576 1 3
                                    

Napahinto siya sa tapat ng lamp post. Mula sa pula niyang cardigan, ramdam niya ang malamig na hangi’ng nanunuot sa payat niyang pangangatawan. Napatingin siya sa mga bahay na puno ng dekorasyong pampasko. Sa halip na mamangha, napabunto'ng-hinga siya.

 

Kung gaano kakulay ang mga bahay sa harap niya, kabaliktaran nun ang buhay niya.

 

"Ayoko ko pang umuwi," bulong niya sa sarili at malungkot na yumuko.

 

Isang kakaibang init ang bumalot sa kanya at mas lalo siyang nilamig; di kalaunan, isang malusog na luha ang kumawala sa mata niya. Marahas niya itong pinahid sabay umalis.

 

Madilim na kwarto ang bumati sa kanya pagkauwi. Pinaandar niya ang telebisyon at pinagmasdan ang mga tao’ng nakatawa sa screen. Wala siyang naintindihan, hindi siya makatawa, hindi niya kaya'ng maging maligaya...

 

Mga nagkalat na damit, dyaryo, at notebook ang naaapakan niya papunta sa kama. Sa maliit na mesa ay telepono at larawan niya’ng nakangiti. Limang buwan na rin siyang ‘di nakangiti ng ganyan...

 

Humiga siya at binalot ang buong katawan ng kumot. Sa kabila ng init na dala nito, ramdam pa rin niya ang lamig na bumabalot sa katawan. Niyakap niya ang sarili’t inilapit ang ulo sa tuhod na parang sanggol. Mas malamig dito kesa sa labas. Dito, mas ramdam niya ang pag-iisa. Dito... sa puso niya...

 

... kahit kaharap niya lang ako'ng nakahiga sa tabi niya.

 

Umaandap na naman ang pulang ilaw ng telepono, kasunod nun ay ang boses ng mama niya, "Anak, umuwi ka na? Huwag mo nang balikan ang alaala ni Darren sa condo niy-" hinila niya agad ang cord sabay upo. Umupo din ako. Nakatingin siya sa kawalan pero para sakin, nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ko matiis, dahan-dahang hinaplos ko ang malapad niyang noo, ang mga mata'ng parang inaantok, ang eyebags niya sa ilalim, ang hugis kamatis niyang ilong, ang malusog niya'ng pisngi at ang labi'ng laging tinatawag ang pangalan ko. Pero hindi ko siya maramdaman. Para na lang akong hangin sa kanya.

 

Sinundan ko ang titig niya sa dyaryo’ng nasa sahig. Nakalahad dun ang tungkol sa eroplanong sumabog habang nasa himpapawid ng South China Sea. Walang nakaligtas sa trahedya, hindi na ako makakabalik sa mundo niya.

 

“Darren...” samo niya at bumigay na sa lungkot. Napayuko na lang ako. Wala akong magawa kasi kahit meron hindi ko rin kaya, hindi ko kaya’ng iwan niya ako sa malamig na lugar na ‘to.

 

“Pero mas masakit ang ganito, unti-unti ko’ng kinukuha ang buhay mo...”

 

“Darren...”

 

Dahan-dahang nilibot ko ang braso sa katawan niya, “Aya, sana sa kabila ng lamig na ‘to, maalala mo ang init ng pagibig ko. Let me become dust now.” Hinalikan ko ang noo niya pero tumagos ang mukha ko sa ulo niya. Tumagos ang kamay ko sa katawan niya. Tumagos ang katawan ko sa kama at unti-unti’ng nahulog ako’t nilamon ng dilim. Pero biglang huminto ang lahat.

 

“... huwag mo ko’ng iwan.”

Unti-unti’ng natagpuan ko na naman ang sarili sa harap niya. Parang nanunuya ang tawanan ng mga tao sa telebisyon...

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon