Entry # 52: A Sunny Day (Romance/Tragedy)

1K 3 7
                                    

Wala sa sarili si Gino habang naglalakad sa ilalim ng init ng araw. Hawak niya sa kanang kamay ang maliit na kahon na naglalaman ng mamahaling singsing. Isang taon na ang nakakaraan nang tanggihan iyon ng babaeng minamahal niya, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin mabitaw-bitawan ang bagay na labis na dumudurog sa puso niya.

Malinaw na malinaw pa rin sa kaniyang isipan kung paano siya nakatanggap ng isang malaking rejection mula sa dalaga. Tila sirang plaka ang mga salita nito na paulit-ulit naririnig ng mga tenga niya.

“Gusto mo nang makipag-break?”

“I’m sorry, Gino. Sana maintindihan mo, kailangan ko rin naman ng effort mula sa’yo. Hindi ko sinasabi na ibigay mo sa’kin lahat ng oras mo, pero kahit konti lang, sana binigyan mo rin ako. But you did not, nawalan ka ng oras para sa’kin dahil sa trabaho mo.”

Namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata niya. He was guilty, yes. But he can’t seem to accept that she was sending him away. He could still remember when she said that her heart was aching a lot. Was it because she was preparing for a break up?

Sinubukan niyang abutin ang kamay nito ngunit iniiwas nito iyon sa kaniya. Animo inalisan siya ng kakayahan makapagsalita. Pakiramdam niya ay pinipitpit ng pino ang kaniyang puso, maisip pa lang na iiwan siya nito

Gino was now on his knees. Tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. “I’m sorry. I’m sorry, for not doing much for you. Give me a chance, please. I will try harder. Don’t leave me. Please.” If he has to go to their house and beg, he will. ‘Cause he will do anything just to keep her by his side.

His eyes were begging for her to look him at his eyes. Tila nakuha naman nito ang kaniyang hiling. She looked at him, finally. But the way she looked at him, was no longer the same as before. He got nothing but a very cold look. Maybe, she already fell out of love in him.

“Too late, Gino. Nasanay na ako na palagi kang wala. I’ve made up my mind. I can’t marry you. I will not.”

Mariin ang pagkakahawak ni Gino sa singsing habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Sinadya niyang magtungo roon para makapag-isip-isip. Malaki ang pagkukulang niya sa relasyon nila noon. Magsisi man siya ng ilang beses ay hindi na no’n maibabalik pa ang nakaraan.

Buong puwersa niyang ibinato ang singsing sa dagat. Tumingala siya sa kalangitan. The sky was filled with the images of the woman he loved most, it’s overflowing. Tirik na tirik ang sikat ng araw. Mainit. Ngunit hindi na kasing-init noon ang pagmamahal ng dalaga para sa kaniya.

Wala na siyang ibang magagawa kun’di ang maging masaya na lamang para rito, at sa lalaking nagmamay-ari na ng puso nito.

“I will let you go now. I promise.”

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon