Entry # 48: ?¿? (Romance/Tragedy)

1.1K 3 15
                                    

Ano bang dapat na mararamdaman mo 'pag ikakasal ka? Masisiyahan? Mae-excite? Kabahan?

Pero sa napansin kong nararamdaman ko ngayon ay. . . wala. Wala akong naramdamang kahit na ano. Bakit ganito ang pakiramdam na ikasal ka sa lalaking 'di mo naman mahal kase napilitan ka lang na ikasal sa kanya because in-arrange ang kasal ninyo?

Everything is ready downstairs. The vows, the venue, everything. Aantayin nalang namin ang pagpatak ng alas-nwebe upang mag-umpisa na ang seremonya. 'Di talaga ako sigurado dito.

Inilibot ko ang tingin ko sa view dito sa rooftop. Mas mabuti siguro kung dito muna ako. Malayo sa mga magulang kong nagpupumilit sa akin na ikasal ako. Alam kong mga magulang ko sila, but that doesn't mean na sila na rin ang magdedecision ng kapalaran ko.

"Danica?" I freezed. Bakit narinig ko ulit yung boses. . .niya? 

Dahan-dahan akong lumingon sa tumawag ng pangalan ko. At. . .nakita ko siyang nakatayo sa pintuan ng rooftop. Ganun pa rin ang mukha niya, wala pa ring nagbago.

Nanghina ang mga tuhod ko at tila huminto ang ikot ng mundo ko. Bakit nandito siya?

Hindi naman siya ang lalaking pakakasalan ko pero bakit siya ang gusto kong makasama sa altar?

Nakita ko siyang lumapit sa akin. "K-kobie?"

Sumandal din siya sa terrace katulad ng ginawa ko kanina.

"Bakit nandito ka?" Agad kong tanong sa kanya.

Binaling niya ang tingin sa'kin. "Gusto lang kitang makita." 

"Pero Kobie naman kase, bak—"

"Bakit, Danica? Mahal mo pa rin ba ako?" Nabigla ako sa tanong niya. 

Ilang minuto muna ang lumipas bago ako sumagot, "Oo. M-mahal kita, Kobie, noon pa. Pero bakit ngayon ka lang nagpakita ulit? Ngayong ikakasal na ako?" 

Umiwas siya ng tingin 'tsaka pumikit, "We could do it you know. . .runaway. Live in a place where no one will find us. Live with the rest of our lives together" Tinanggal niya ang pagkakasandal niya sa fence at lumapit sa'kin. Napaatras ako sa biglaang paglapit niya. Pero nagulat ako nang hinalikan niya ako sa labi, "You and I, we could make it."

Nakarinig kami ng padabog na pagbukas nung pintuan ng rooftop. Napalingon ako dun at nakita ang lalaking papakasalan ko. Si Ethan!

"Ano 'to Danica?" Nangigigil niyang tanong.

"E-etha—" Nakarinig nalang ako ng isang suntok na tumama sa nakahiga nang si Kobie. Nagulat ako. Agad na lumapit sa'kin si Ethan at hinigit ako pababa ng rooftop. 

Pero hindi ako nagpadala sa hila ni Ethan kaya nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. "Bakit Danica? Anyare sa’yo? Sino ba talaga ang mahal mo Danica? Ako ba o siya?"

Nagulat ako sa tanong niyang 'yon. Sino nga ba pipiliin ko? Si Kobie na mahal ko? O si Ethan na siyang pakakasalan ko?

This is a choice of a lifetime but nakapagdecision na ako. I need to spend a lifetime with someone I still have to learn to love. Because a wedding is not a mark of the beginning nor end of love, but a choice to make despite all uncertainties.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon