Entry # 130: Autumn's Tears (Romance/Tragedy)

693 1 8
                                    

Nagsimula na ang tag lagas. Mula sa kaniyang silid ay kitang kita ni Flora ang unti unting pagkatuyo ng mga dahon at pagkalagas ng mga ito mula sa sanga ng mga puno.

Kulay puti at maliit lamang ang silid kung saan siya naroroon ngunit mataas ang lokasyon nito sapagkat nasa ikatlong palapag ito ng gusali. Naka sandal siya sa kaniyang kama habang may nakakabit na aparato sa kaniyang kanang kamay. Sa kaniyang tabi ay may isang estante kung saan may isang buslo ng mga hinog at sariwang prutas.

Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa labas ng bintana upang pagmasdan ang papalubog na araw. Kulay kahel na ang kalangitan, kasing kulay ng mga dahong nalalanta. Ngunit kasabay ng pag ulan ng mga dahon sa lupa ay ang pag agos din ng kaniyang mga luha. Kahit anong pigil niya sa mga ito ay hindi niya maiwasang hindi umiyak.

Kinuyom niya ang kaniyang mga palad. Marahil ay ito na ang huling beses na masisilayan ko ang kagandahan ng dapit hapon. Mahina niyang bulong na tila ang hangin lang ang nakakarinig.

Narinig niyang bumukas ang pintuan ng kaniyang silid kaya agad siyang tumunghay upang tingnan kung sino ang dumating upang siya ay bisitahin. “F-Flora…mahal ko…wika ng isang matangkad na binata na may dalang supot ng pagkain. ...bakit ka umiiyak? tanong nito sa dalaga ng mapatantong umiiyak ang kasintahan.

“W-wala naman. Mabilis na pinahid ni Flora ang kaniyang mga luha gamit ang likuran ng kaniyang palad. Ayos lang ako Faunus. Pahabol pa nito upang hindi na mag alala ang binata.

Ipinatong ni Faunus ang dala-dalang pagkain sa estante, katabi ng mga prutas, bago umupo sa tabi ng dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Flora at hinalikan ito. Isang malungkot na ngiti lamang ang itinugon sa kaniya ng kasintahan na tila kumurot sa kaniyang puso. Magiging maayos din ang lahat mahal ko. Makakaya natin to. Hindi Niya tayo pababayaan. Wika ni Faunus upang pagaanin ang loob ng kasintahan.

“Sana nga ay tama ka Faunus. Tugon nito sabay baling ng paningin sa labas upang masilayan ang tuluyang pag lubog ng araw at paglatag ng banig ng mga tala sa madilim na kalangitan. Hindi ako naniniwala sa himala, ngunit sa mga panahong ito… humarap siya sa kasintahan. …iyon na lamang ang kailangan ko. May bahid ng lungkot ang nangungusap niyang mga mata.

Sa nakitang kalagayan ng kaniyang minamahal ay hindi na napigilan pa ni Faunus na mapaluha. Agad siyang tumayo at ikinulong sa kaniyang mga bisig ang dalaga na tinugon din ang kaniyang yakap. Malalampasan natin ito Flora…at hinding hindi ako aalis sa tabi mo. Wika niya. Mahal na mahal kita Flora.”

“Mahal na mahal din kita Faunus. Tanging iyon na lamang ang kaniyang nasambit.

Sa silid na ding iyon nagpalipas ng gabi ang kaniyang kasintahan upang bantayan siya buong mag damag. Nais ni Faunus na sa mga huling sandali ni Flora sa mundo ay naroroon siya para sa dalaga. Pinagmasdan ni Flora ang nahihimbing na kasintahan bago niya ipikit ng tuluyan ang kaniyang kaniyang mga mata.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon