Entry # 161: It's only in fairytales (Romance/Tragedy)

566 0 2
                                    

Tumingala ako at tinitigan ang mukha ng lalaking bumubuhat sa akin habang tumatakbo. Napaka-amo ng kanyang mga mata, napaka-tangos rin ng kanyang ilong at mataas rin ang mga pilik-mata. Sino’ng ang mag-aakala na magmamahal ako ng lalaking tulad niya?

Sino nga rin ba ang mag-aakala na ako, si Ariani Embrey, isang kilalang assassin, ay marunong mag-mahal ng patago? Napa-iling na lamang ako sa ‘king pinagiisip.

Matagal ko na siyang kilala. Isa siya sa mga magagaling sa mundo naming mga assassin. Palaging kami ang ipinag-papares tuwing may misyon, tulad ngayon.

“Aria, kumapit ka lang. Hindi ko hahayaang mamatay ka dito.”  Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.  Alam kong malapit na ‘kong mamatay. Kahit isa akong assassin, tao pa rin ako at walang siyam na buhay tulad ng pusa. Malalim rin ang mga natamo kong sugat sa katawan kaya paniguradong ‘di na ‘ko magtatagal.

Biglang nag-flashback ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Naaalala ko ang mga mukha ng mga taong nagmamakawang ‘wag kong patayin, ang mga pamilyang naulila dahil sa akin, ang mga panahon nagti-training pa lang ako at mga oras na kasama ko siya. Ang sama-sama ko pala talaga. Ang daming kasamaan ang nagawa ko kaya ito na siguro ang karma ko. Ganito pala ang pakiramdam ‘pag mamamatay ka na.

Hanggang dito na lang ba talaga ako?

Pero hindi. Hindi ko hahayaang ‘di ko masasabi sa kanya ang nararamdaman ko. “Blaze, pa’no kung sabihin ko sayong mahal kita?” tanong ko sa kanya.

Tumingin lamang siya sa akin at patuloy na tumakbo.

“Alam kong ‘di ito ang tamang panahon para rito. Pero Blaze, alam kong mamamatay na ako. Blaze, I love you. I don’t care if it’s not the right time nor the right place but as I said I love you,” I said softly. Wala na akong lakas.

Tumigil siya kaka-takbo. Pina-upo niya ako sa tabi ng daan at sinampal ako. Ang sakit. Mas pinalala niya ang sakit sa ‘king katawan. Ang brutal niya.

Nagsimulang mamasa ang aking mga mata hanggang sa naiyak na ako. Nahihirapan na akong huminga. Napapikit na lang ako. Siguro dapat ‘di ko na lang sinabi sa kanya.

“Ang tanga mo. Bakit ngayon pa?  Pagkatapos mong sabihin ‘yun, iiwan mo na ako? Mahal din kita, Ariani. So please hold on. Don’t leave me please,” sabi niya ng umiiyak.

Napangiti ako habang pumipikit. Patuloy pa ring umaagos ang mga luha sa ‘king mga mata pero ngayon dahil sa halo-halong emosyon na. ‘Di ko inaakalang mahal niya rin pala ako.

“Patawarin mo ko. ‘Di ko na kaya. Pero salamat, Blaze. Ngayon ay nasabi ko na sayo ang matagal ko ng tinatago.”

“Aria naman! Hindi ko hahayaang mamatay ng ganun lang. Not when I already confessed my feelings!” Binuhat niya akong muli.

“I love you goodbye, Blaze.” I smiled sadly and closed my eyes. I saw a bright light appearing in front me.

This is the ending then but not the one was wishing for. Happy endings are for fairytales only but sadly mine isn’t one of those.






Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon