Entry # 169: Picture Not Perfect (Romance/Tragedy)

594 0 8
                                    

8:09 PM.

Nine minutes na kaming late ni Grace sa High School reunion namin. Pa’no kasi, kung kailan handa na akong umalis, saka siya biglang tumawag—umiiyak at humihiling na puntahan ko siya sa bahay niya.

At ngayon, nandito ako sa kwarto niya, awang-awa sa estado niya habang humahagulgol siya sa kama niya.

“Putang ina niya, Pangs! Nangako siya sa ‘kin! Sabi niya, ako lang!” sigaw niya habang gigil na gigil na pinagsasasaksak ng gunting ‘yong kawawang stuffed toy sa higaan niya—‘yong Teddy Bear na binigay ni James sa kanya last Valentine’s.

Halos dalawang dekada ko nang kilala si Grace. Halos dalawang dekada na rin ang pagkakaibigan namin—walang wala kumpara sa dalawang taon nila ni James. Pero anong magagawa ko? Sa kwento namin, ako ‘yong dakilang best friend. Si James ang boyfriend. Spelling pa lang, obvious na ang pagkakaiba.

Sa dalawang taon nila ni James (na dinaig pa ang christmas lights sa dalas ng patay-sindi. On-off, on-off, linggo-linggo, buwan-buwan), memoryado ko na ang routine ni Grace. Mag-aaway sila, mananahimik siya ng ilang araw. Pagkatapos, tatawag siya sa ‘kin at doon niya ibubuhos lahat ng sama ng loob niya. Magbibigay ako ng advice. Ipagtatanggol niya sarili niya. Hahayaan ko siyang dumada nang dumada hanggang sa kumalma siya. Saka ko ipapaintindi sa kanya ‘yong pagkakamali niya (o kaya nila) at makikinig na siya.

Ganoon naman lagi. Sa ‘ming dalawa, siya ‘yong sugod nang sugod. Ako naman ‘yong maiiwan sa likod at aalalay sa kanya kapag napuruhan.

“Pangs…” ‘Yon lang ang nasabi ko. Obviously, sa lahat ng  naging away nila, ito ‘yong pinakamalala. Pakiramdam ko, wala ako sa lugar para pangaralan siya.

“Aksidente?” sabi niya. Tumigil na siya sa pang-a agrabyado sa stuffed toy. “Ginagago niya ba ako! Tangina, aksidente ‘yong madapa ka. Aksidente ‘yong matapilok ka. Pero hindi aksidente ‘yong maipasok mo ‘yong titi mo sa puke ng kung sinu-sinong haliparot!”

“Grace.”

Agad naman siyang natigilan. “I know, I know.” Naihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha niya. “Ang sakit lang kasi, Pangs. Ang sakit,” sabi niya saka ako niyakap. Humagulgol na naman siya sa balikat ko.

Ako ang best friend. 50% na nakaka-bitter at 50% na nakakatuwa. Nakakatuwa kasi after all that’s said and done, magkahiwalay man o magkabati sila ng nobyo niya, ako pa rin ang una niyang lalapitan. Nakaka-bitter kasi ang lapit lapit niya sa ‘kin pero di ko siya maabot. More specifically, hindi pwede.

Halos dalawang dekada na akong may gusto kay Grace.Kung ‘yong typical na boy-girl best friend situation lang ‘to, baka may pag-asa pa ako, kahit 0.03% lang. Kaso, hindi. Ito ‘yong tipong default best friend zone. Walang walang pag-asa.

“Nakipag-break ka na ba?” tanong ko.

“’Yon nga e. Di ko kaya.” Umiyak ulit siya. No’ng una, maingay, tapos pahina nang pahina hanggang sa puro hikbi na lang ang naririnig ko.

Nangilid ang luha ko.

Ang sakit.

Mas lalong nakadagdag sa sakit ‘yong picture na nakita kong nakapatong sa bedside table niya. Class picture namin no’ng high school.

 

St. Scholastica’s College Batch 2005-2009

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon