Entry # 58: Story-Writer (Romance/Humor)

1K 3 7
                                    

I am a story-writer. People pay me to write for their own love story and I post it on Wattpad.

Gusto niyo malaman kung sinong tao ang magbabayad ng P5,000-P10,000 para lang mag-sulat ako ng story nila? Sila yung mga in love, mga hopeless romantic, at yung sabik mag-mahal at mahalin pero wala pang dumadating. Sila yung mga involve sa unrequited love, mga iniwan ng mahal nila, at yung mga naghihintay ng taong alam nilang kahit kailan, hindi sila mamahalin pabalik. For short, sila yung mga taong broken-hearted at hopia.

“Anak, lumabas-labas ka naman. Paano naman ako magkakaapo kung ganyan ka?” Sabi ni nanay habang umuubo. 54 years old pa lang siya, pero sobrang hina na ng katawan niya.

Sinunod ko naman yung payo ni nanay. Nag-ayos ako ng konti at lumabas ng bahay. Teka, saan naman ako pupunta? Papasok na sana ako sa loob dahil wala naman akong pupuntahan, pero napatigil ako at tumingin ako sa lalaking naka-sumbrero at nakasandal sa tabi ng gate ng bahay namin.

He was STARING at me.

“A-Ano po kailangan niyo?” I asked, stuttering.

He looked at me and said, “Write for me.”

Hindi ako sumagot. Tinanong pa niya ako kung ayaw ko kasi madali naman daw siya kausap. Ang sungit naman. Napa-oo na lang tuloy ako. Sino ba kasing makakatanggi sa P15,000?

Hindi siya pumayag na sa facebook kami mag-usap kaya sa coffee shop kami nag-kikita. Noong unang araw, ang dami niyang sinasabi na hindi related sa kwento niya. Noong mga sumunod, nag-simula na siyang mag-kwento, pero wala man lang sa ¼ ng buong kwento ang sinasabi niya. Kaya noong napuno na ako, tinanong ko siya kung pinaglalaruan lang ba niya ako o ano pinagtitripan.

“Sorry, aayos na. Kailangan ko talaga ng tulong mo. I’ve liked this girl since college, but she never noticed me. Siguro pag nabasa niya yung story na ginawa mo, way na ‘yun para magustuhan niya rin ako.”

The story is about a girl who barely goes out because she wants to take care of her mom. She earns a living through writing books. There’s this guy na may gusto sa kanya simula 1st year college, pero never niya itong napansin. Nabasa na ng lalaki lahat ng libro niya at pati na rin yung sa Wattpad. Nagsusulat din ito ng istorya ng ibang tao. Ang lakas ng tibok ng puso ko bigla!

“Ang tanga ko, pero kailangan ko lang tanungin. Ako ba ‘to?”

He sighed, “Magbabayad ba ako ng P15,000 kung hindi?

“Sabi mo para sa babaeng matagal mo ng hinihintay!”

“Kaya nga. Para sa’yo. Para sa babaeng matagal ko ng hinihintay, pero kahit kailan, hindi ako napansin.”

Pagkatapos ng araw na ‘yun, matagal din siyang hindi nag-paramdam. Noong natapos ko na yung story, pinost ko na sa Wattpad at nagulat ako dahil lalaki ang unang nag-comment…

miguelcuesta: Bernadette Epiphany Esguerra, will you continue your story with me and go out with me, for real?

Hi, I am Bernadette Epiphany Esguerra. I’m a story-writer and this is my story.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon