Entry # 42: To the Star Who Can't Return (Romance/Tragedy)

1.1K 10 11
                                    

“Call it fate, call it destiny. Whatever it may be, it will always lead you back to me.”

-the guy who love the stars

            Nilibot ko ang aking tingin sa loob ng simbahan at nakita ang mga bulaklak na nakapalibot dito. Sunod-sunod din maging ang pagdagsa ng mga tao sa loob ng simbahan. Ang ilang dito ay mga kamag-anak natin, ilang malapit na kaibigan at maging ang ating mga magulang.

            Mula sa’king kinatatayuan sa harap ng altar ay muli kitang sinulyapan sa’king tabi. Napakaganda mo talaga sa suot mong putting bestida at hawak mong pumpon ng bulaklak kung kaya’t hindi ko napigilan ang isa-isang pagtulo ng luha mula sa’king mga mata.

            Napakaswerte ko.

             Tama. Napakaswerte ko dahil nagmahalat minahal ako ng babaeng tulad mo, ng wagas at totoo.

            "Aswang."
            Iyan ang unang salitang binitiwan mo sa’kin nang unang beses tayong magkita.
            Gabi noon. Naglalakad ka sa tapat ng bahay namin galing sa pagbili sa tindahan nang makita mo ako sa madilim na daan. Nakadaop ang aking mga palad, nakapikit ang mga mata at nakatingala.

            Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ng raos na yun at bigla mo na lang akong tinawag na aswang. Takot na takot kang tumakbo pauwi sa inyo at ipinamalita na bumubulong at nag-oorasyon ako sa madilim na daan para mag-transform.

            Nang marinig ang mga kwento na yun ay natawa na lang ako, dahil ang totoo ay humihiling ako sa mga bituin noong mga oras na nakita mo ako.

            Matapos ang araw na yun ay lagi ka nang pumapasok sa isip ko hanggang sa mapagtanto ko na lang na may gusto na ako sayo. Nagsimula akong magparamdam; binigyan kita ng bulaklak, tsokolate at mga regalo.

            Akala ko noon ay hindi mo rin ako magugustuhan kaya naman laking tuwa ko nang matapos ang ilang buwan ay sinabi mong mahal mo rin ako.

            Nang mga oras na yun, naisip ko na marahil ay tinupad na ng mga bituin ang pangarap ko at ikaw yun.

            Sa loob ng matagal na panahon ay nagsama tayo. Sa hirap, sa ginhawa, maging sa mga araw na malungkot at maging sa mga masasaya.

             “Papa?”

            Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ng bunso nating  anak sa’king balikat at may nagtatanong na ekspresyon sa mukha.

            “Diba sabi mo nag-wish ka sa isang shooting star?” Tumango ako. “Ibig bang sabihin ang shooting star na iyon ay si Mama at tinupad ang pangarap mo?” Mapait akong ngumiti at tumango sa kanya.

            Sa isa pang pagkakataon ay tiningnan ko ang mga bulaklak sa loob ng simbahan, ang nakangiti mong mukha, ang puti mong bestida…

maging ang naka-pikit mong mga mata.

            Tama, ikaw ang bituin na bumagsak mula sa langit, papunta sa lupa at tinupad aking mga pangarap. Pero sana hindi na ako humiling at sana ay nalaman ko na habang maaga pa.

            “When star falls, it burns itself until it dies. And when it dies, it can never return, even in the heaven.”

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon