Entry # 124: AKO PALA (Romance/Tragedy)

655 2 6
                                    

Masyadong mapaglaro ang pagibig.

Walang kasiguraduhan, at laging may nasasaktan.

 

Pangarap ka nalang ba o magiging katotohanan pa.

Napakanta nalang ako habang pinanonood siyang maglaro.

Ang galing niya, nakakabilib. Nakakahumaling.

 

"Castillo for 3 points!" Di na ako magugulat kung siya ulit ang magiging MVP.

Ang dami niya ng points na nagagawa. Pati nga sa puso ko nakakailang points na siya.

Natapos ang game at nanalo sila dahil sa kanya. Di ko na napigilang ngumiti nang lumapit siya sa akin at sinabing "Ayos ba? Para sayo 'yon!"

 

Gustong sumabog ng puso ko sa sobrang tuwa, yayakapin ko na sana siya, aaminin ko na sanang mahal ko siya kung di ko lang alam na iba ang mahal niya.

 

"Oo naman!" Ayos naman talaga, kaya nga bukod sa nakuha niyang titulong MVP, pati puso ko nasa kanya na.

Di ko makalimutan ang araw na nakilala ko siya. Ang araw na minahal ko agad siya.

Okay na sana ang lahat, panatag na ako. Kuntento na ako kahit magkaibigan lang kami.

Okay na sana pero....

 

"Pawis ka!" sabi ng mahal niya. Ang sakit sa puso na makitang nakangiti siya habang pinupunasan ni Nadine ang pawis niya. Nakakainggit na maraming kinikilig sa eksenang ginagawa nila.

Umalis na ako sa court bago pa ko umiyak at mag-makaawa sa kanyang ako nalang ang mahalin.

 

"Grabe! Iniwan mo naman ako dun!" sabi niya at kinurot ang pisngi ko. Ang sakit nun ah! 
Pero mas masakit parin ang puso ko.

 

Hinabol niya pala ako para sabihing ililibre niya ako. "Tara na!" Aniya.

Kung di ko lang siguro alam na iba ang mahal niya ay mageexpect akong may gusto siya sakin.

 

Ang sweet kasi.

 

"Say ahh..." marami napatingin at nagbulong-bulungan nang sinubuan niya ako.

 

Ang sweet!

Perfect couple!

 

Ang sarap sa pakiramdam ng narinig ko. Sana nga’y couple kami.

"Uy, Bagay daw tayo! Sagutin mo na kasi ako!" sabi niya, alam ko namang nagbibiro dahil may mahal na siya.

 

"Tse! Sumbong kita kay Nadine!" natigilan naman siya.

 

"Hanggang ngayon ba hindi ka parin naniniwala?  Biro lang naman yung sinabi kong gusto ko siya."  maniniwala na sana akong biro lang yun... kaso iba ang sinasabi niya sa nakikita ko.

 

Alam kong anytime tutulo na ang luha ko kaya tumakbo na ako palabas, narinig kong hinahabol niya ako kaya mas binilisan ko. Di ko na siya pinansin, nagpatuloy ako hanggang marinig ko ang malakas na busina kasabay ng sigaw niya.

"SHAAAAAAAAAAANE!" Di ko namalayan na natumba ako dahil sa tulak niya. Ang sakit!
Pero mas masakit palang makitang nakahandusay ang mahal mo. Tumakbo ako palapit sakanya.

 

"Ikaw lang ang mahal ko, sana naman maniwala ka na." Di ko na nagawang sumagot dahil pumikit na siya. Wala na siya. Di ko na pinansin ang mga tao sa paligid dahil kasabay ng patak ng ulan ang agos ng luha ko’t pighati. Nag-flashback ang lahat ng pinagsamahan namin. Ang tanga ko! Bakit ngayon pa! Kung maaari ko lang sanang ibalik ang lahat kaso hindi na.

 

Huli na pala para maramdamang.....

Ako pala ang mahal niya.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon