Entry # 5: Lucidas (Romance/Fantasy)

1.1K 26 15
                                    

"Kung hindi lang talaga kita anak, matagal ka nang natulad sa kanila!" nangangailiting wika ni ama sa'kin sabay turo sa mga kaluluwang panay ang panaghoy habang nasusunog sa matinding apoy ng impyerno. "Bibigyan kita ng huling pagkakataon upang magawa nang tama ang trabaho mo! Huli na, tandaan mo, Lucidas!" Matapos niyang sabihin iyon ay bigla akong bumalik sa mundong ibabaw.

Nakatingin na naman ako sa kawalan habang iniisip kung paano ko gagawin ang trabaho ko. Habang nag-iisip ako nang malalim ay bigla ko na naman siyang nakita. Siya na may matamis na ngiti at maamong mukha. Siya na tumutulong at gumagabay sa mga tao.

Si Melody na isang anghel at kalaban naming mga demonyo.

Paano ko nga ba gagawin ang utos ni ama na humakot ng mga kaluluwa upang dalhin sa impyerno kung si Melody ang kalaban ko? Paano ko siya lalabanan kung sa presensya pa lang niya ako'y nanghihina na?

Ni hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam nang ganito. Hindi ito normal, at hindi ito pwede.

Sa gitna ng aking pag-iisip ay biglang lumitaw ang sugo ni ama na si Nero na siyang nagbabantay sa'kin.

"Siya ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nagagawa nang maayos ang ipinagagawa ni pinuno sa'yo?"

Hindi ako umimik at patuloy kong pinagmamasdan ang napakagandang mukha ni Melody.

"Pag-ibig," wika nito dahilan upang mabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Anong pag-ibig?" naguguluhan kong tanong.

"Umiibig ka, Lucidas! At hindi mo 'yan maaaring maramdaman sapagkat bawal tayong makaramdam nang ganyan, at higit sa lahat, bawal tayong umibig sa kalaban nating anghel. Malalagot ka sa iyong ama kapag nalaman niya ito. Kaya ngayon pa lang, dapat mawala na siya at nang matigil na ang iyong kahibangan!" Biglang lumabas ang itim na usok mula sa kanyang kamay at ibinato niya ito kay Melody.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. Nilabag niya ang batas sa paggamit ng kapangyarihang iyon. Hindi maaaring tamaan si Melody ng kapangyarihan ni Nero dahil mapaparalisa ito oras na bumalot ang usok sa katawan nito at pwede niya itong ikamatay.

Mabilis akong lumipad papunta sa harapan ni Melody upang hindi siya matamaan ng itim na usok.

"Lucidas!" Nagulat si Nero sa ginawa ko. Naharang ko ang pinakawalan niyang kapangyarihan at hindi naman ito tumalab sa'kin dahil sa mga anghel lang ito tatalab.

"M-melody, umalis ka na!" pilit kong taboy sa kanya. Kailangan niyang makaalis. Hindi ko hahayaang mapahamak siya.

"Bakit mo ginawa 'yun?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko alam. Pero isa lang ang masasabi ko, posible palang umibig ang demonyo sa isang anghel." nakangiti kong sagot. "Demonyo man ako, ngunit handa akong maging anghel mo. Umalis ka na!"

Lumapit siya sa'kin at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ang aking pisngi at bumulong, "Lagi mo na lang akong pinagbibigyan, Lucidas. Alam kong bawal, ngunit matagal na akong may kakaibang nararamdaman sa'yo. Gumawa ka lang nang tama't patatawarin ka ng panginoon." Matapos niyang sabihin iyon ay unti-unti siyang naglaho.

"Gagawin ko 'yan," bulong ko.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon