Entry # 82: If I'm Not Inlove (Romance/Non-fiction)

1K 9 11
                                    

Totoo nga bang minsan mahirap malaman kung inlove ka? Yung tipong hindi ka sigurado kung mahal mo na nga ba siya? 

Paulit-ulit na umiikot sa aking isipan ang mga katanungan na iyon. Gusto ko si Tristan pero hindi ako sigurado kung mahal ko na nga siya. 

Kaninang umaga lang ay nasalubong ko siya. Binati pa niya ako at sinuklian ko naman iyon ng ngiti. Sa tuwing nakikita ko siya, lumiliwanag ang lahat. Tipong nawawala sandali ang mga problema ko sa buhay. Pero kapag dumarating ang mga sandaling ganito, hindi ko maiwasang magtanong.... Mahal ko na nga ba siya??

Kinikilig ako sa mga titig na ibinabato nya sa akin. Sa mga matatamis na ngiti na ibinibigay nya sa akin. Hay... ang buhay nga naman! May mga misteryo na dapat mong tuklasin. Pero minsan natatakot akong tumuklas. Baka kung anong mga bagay ang malaman ko na hindi ko ikatuwa. Siguro mahal ko na nga siya. Pero sinasabi ko lang na hindi dahil takot akong masaktan.

Natatakot akong mabalewala.

Natatakot akong magbago ang pakikitungo niya sa akin.

Natatakot akong mawala siya sa akin.... Kahit hindi pa naman siya sa akin.

Naaalala ko tuloy ang sabi ng kaibigan ko sa akin noong nasa kolehiyo pa ako.

"Ok lang na masaktan ka basta nasabi mong mahal mo siya, kaysa naman hindi mo sinubukang sabihin, huli na nang malaman mong mahal ka rin niya"

Tama! Ayokong mahuli ang lahat. Ayokong mabalewala pero mas ayokong mawala siya ng hindi niya nalalamang mahal ko siya. Ngayon din ay sasabihin ko na. Sigurado na ‘ko. Sigurado na kong mahal ko siya at sa reyalisasyong maaaring magbabago ang pakikitungo niya sa akin.

Iaangat ko na sana ang telepono ng bigla itong mag-ring...

"Hon... kanina pa ko tawag ng tawag. Natutulog ka ‘no?"

"Oo, naalimpungatan nga ako e"

"May pasalubong ako sa'yo at kay Tristan Jr."


Napangiti na lang ako. Tama ang naging desisyon ko. Siguro wala ka sa akin ngayon kung hindi ko sinabi sa'yo nung gabing iyon... Siguro iba ang katapusan ng panaginip kong iyon kung hindi ko sinubukang sabihin sa iyo... Siguro walang Tristan Jr. ngayon kung hindi ako naglakas ng loob sabihin sa'yo...

Na mahal kita.... 

Mahal na mahal....

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon