Entry # 21: The Very Lucky Boyfriend (Romance/Humor)

1K 15 12
                                    

Ang swerte talaga ng boyfriend ko sa’kin. Aba, sa tuwing titingin ako sa salamin, may nakikita akong dyosa. Sa’n pa siya?

Maganda ako, alam ko ‘yun, ewan ko lang kung ‘yung iba maganda rin.

Swerte sa’kin si Brix. Last birthday niya, bumili ako ng Ferrari para sa kanya. Nayakap niya ako nang mahigpit with matching kiss pa sa lips. Siyempre, swerte siya sa’kin e.

Swerte talaga sa’kin si Brix. Ngayong enrollment, wala raw siyang pang-first payment kaya binigay ko ‘yung allowance na binigay ni Dad sa’kin. Ang sweet ko, ‘di ba?

Sobrang swerte ni Brix sa’kin. Ako ang nagbabayad ng plan niya sa Globe at  Smart. Lagi ko rin siyang isinasama kapag nagsha-shopping ako. Henebey. True love na itey, pakakawalan ko pa ba siya?  Pero aminin, ang sweet ko sa kanya.

            Swerte rin naman ako sa kanya. Lagi pa nga niya sinasabing mahal niya ako. Sobra. Kaya nga lagi siya sa condo ko e. If you know what I mean. Sadyang swerte lang talaga siya sa’kin.

            Well, swerte nga yata talaga kami sa isa’t isa. Lagi kaming magkasama. HHWW ang drama namin tuwing naglalakad. Hati kami palagi sa bato, hati sa wine, sa beer, sa injectibles, sa Jane. If you know what I mean. Better halves nga, ‘di ba?

            Kahapon, nag-PT ako. Positive. Sabi niya sa’kin pananagutan niya. Ang usapan namin, susunduin niya ako para sabay naming sasabihin kay Daddy ang kalagayan ko. ‘Yun ‘yun e. ‘Di niya ako iiwan. No regrets.

            Oh, ‘di ba? Swerte siya sa’kin. May girlfriend na siya, may baby pa.

            Nandito ako lobby ng condo ko. It’s already ten-thirty in the evening. Na-traffic lang siguro siya.

            Well, dadating siya. Alam ko ‘yun. Swerte siya sa’kin e. 

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon