Entry # 40: Ang Iyong Kaibigan. (Romance/Mystery)

1.1K 9 18
                                    

Isang araw habang nagliligpit si John ng gamit ng kanyang nobya ay may napansin siyang sulat. Dahil sa kuryosidad binuksan niya ito at binasa.

 

Dear John,

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang sulat 'kong 'to. Ewan, pagdating sa'yo nawawala ako sa sarili ko. 

Simulan natin sa unang araw ng ating pagkikita. Bago pa lang ako sa Maynila ng panahong iyon. Ikaw ang unang tao na pumansin sa akin. Innasar ka man ay hindi ka nagpatinag, ipinagtatanggol mo ako. Hindi ko nga alam kung bakit ang isang gwapong nilalang na tulad mo ay lumapit sa pangit na kagaya ko.

Araw-araw mo na akong sinasamahan noon, masigurado lang na walang mang-aasar o aaway sa akin, sabi mo kasi ako ang best friend mo. Hindi ko alam noong mga panahon na iyon, nahuhulog na pala ang loob ko sa'yo. Iniisip ko nga minsan 'hanggang kaibigan na lang ba talaga ako?' Pero hindi ko na naiisip iyon dahil sa bilis masyado ng pangyayari. Kagaya ng pagkawala mo.

Isang linggo akong lumiban sa klase, nagkaroon kasi ako ng dengue. Masayang masaya ako sa pagpasok ko ng paaralan syempre makikita na naman kita. Pero imbes na kasiyahan, poot ang naramdaman ko. Paano mo nagawa sa akin 'yun John? Isang linggo lang ako nawala, may kapalit na agad ako? 

Dahil sa nakita ko'y napagpasyahan 'kong umuwi na lang at hindi na pumasok. Kung pwede nga lang hindi na talaga ako pumasok ay gagawin ko. Kinabukasan, nagkasalubong tayo, pero parang hangin lang ako na dumaan sa gilid mo, Ganyan ka ba talaga? Hindi nakakaalala ng pinagsamahan? Sino ba ang gumagawa ng mga projects at assignments mo? Hindi ba't ako? Sino ba ang sumasagot sa test mo? Hindi ba't ako rin?

Tunay bang ginamit mo lang ako? Magmula noon ay araw-araw na akong inaapi at sinasaktan ng mga kaklase natin. Kung dati halos patayin mo ang mga gumagawa noon sa akin, ngayon halos mamatay ka sa kakatawa sa ginagawa nila. Sinisigawan mo pa nga akong 'Tanga!', 'Uto-uto', 'Assumera!' at ang pinaka-hindi ko malilimutan 'Kahit kailan hindi kita tinuring na kaibigan, ginamit lang kita!' 

Halos hindi na ako makilala sa dami ng pasa ko sa katawan at sira kong uniform. Tila nasa impyerno ako araw-araw ,hindi dahil sa pananakit at pam-bubully kundi dahil dinudurog mo ang puso ko.

Gusto ko ipatikim sa'yo ang impyernong nararanasan ko. Nagpadala ako ng sulat sa babaeng palagi mong kasama na sa pagkakarinig ko'y nobya mo. Lalo akong nagalit. Gaya ng plano pumunta ang nobya mo sa lugar na sinabi ko, sinong uto-uto ngayon?

Ikinulong ko ang nobya mo sa isang pasilyo kung saan ko siya binawian ng buhay. Pinakita ko sa kanya ang impyerno. Alam kong hindi ka na magiging akin kahit anong gawin ko. Kaya naman kung hindi ako ang mamahalin mo'y magpapakamay na lang ako. Nakakaramdam ka ba ng pagkahilo? Maaring dulot 'yan ng lason na inilagay ko sa bawat pahina ng sulat na 'to. Magkita-kita na lang tayo sa impyerno.

 

Ang Iyong Kaibigan,

Julia.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon