Entry # 2: AURELIA (Romance/Fantasy)

1.5K 23 22
                                    



Libong taon narin ang nakakaraan noong huli ko syang masilayan. Natatandaan ko Pa ang amoy nya. At ang matipuno niyang katawan. Dama ko parin hanggang ngayon ang mga halik na ibinibigay nya sa akin at ang paulit ulit naming pagniniig kapag kami ay lihim na nagkikita. Akala naming dalawa ay wala ng katapusan ang lahat pero isang palang maling akala ang lahat. Tinugis siya ng pamilya ko at inilayo sa akin itinago sa isang lugar kong saan ay hindi ko alam. Maging ako ay ikinulong rin nila. Nagsilang ako ng isang batang babae ngunit agad din nilang kinitil ang buhay ng aking mahal na supling. Tuwing bumabalik sa akin ang nakaraan ay parang sinasakal ang puso ko Gusto ko nang kitilin ang buhay ko subalit naisip kong kailangan kong makawala dito at hanapin kung nasaan man ang aking iniibig.

Dumating Ang araw na pinakahihintay ko. Hindi ko alam kung pumapanig sa akin ang tadhana o sadyang magaling lang akong magisip. Inilabas nila ako sa aking kulungan dahil sa pag aakalang Magbabago na ako. Agad kong sinunggaban ang isa sa mga kawal na naglabas sa akin at Kinagat ito sa leeg . Naalerto ang iba kaya sinubukan nilang pigilan ako ngunit sa pagnanais kong makawala ay parang walang anumang sinugod ko sila. Mabilis ko silang nilapitan at kinagat sa leeg. Kahit libong taon na akong nakakulong ay di parin nangangalawang ang kakayahan kong maging sing bilis ng kidlat gumalaw. Tumakbo ako sa papunta sa bintana at walang ano-ano ay tinalon ko ito. Habang bumabagsak ako ay ipinikit ko ang aking mga mata, kay sarap langhapin ng hangin mula sa labas. Bigla akong naalerto ng makaamoy ako ng isang bampira. Mabilis kong itinapak ang aking mga paa sa pader at tinakbo ito pababa. Agad kong nasakal ang bampirang kanina lamang ay aking naamoy. "w-ag Aurelia ang n-ais k-o l-ang n-aman a-y s-abihin sayo kung n-asaan ang l-obong iyon". Hirap nitong paliwanag Agad ko syang binitiwan " Nasaan sya amalia?" matigas kong tanong dito."Nasa verdandi sya Aurelia" pagkasabing pagkasabi nya ay agad akong naglaho para pumunta sa lugar na iyon. Ngunit ng makarating ako ay isang kalunos lunos na lalaki ang aking nadatnan. Ang aking pinakamamahal na faolan Nakagapos ng isang kadenang pilak. Habang papalapit ako ay umaagos ang aking luha sa aking pisngi. "Mahal ko" usal ko. Bahagya syang gumalaw at pilit na iminulat ang kanyang mga mata. Pinilit siyang ngumiti. Tumakbo ako sa kanya para yakapin ngunit ng hina ako ng mapalapit saakin ang kadenang pilak na nakagapos sa kanya. Pinilit kong makagalaw at napagtagumpayan ko ito mahigpit ko syang niyakap kahit sobrang nanghihina ako. "mahal ko pwede na akong mamatay dahil nakasama na ulit kita, pakiusap tapusin mo na ako" bulong nya sa akin. Bago pa ako nakapagsalita ay naramdaman kong may panang tumama sa likod ko,"Aurelia anak patawad" Pamilyar na boses ang narinig ko ngunit hindi na ako nakalingon dahil sunod sunod na pana na ang tumama sa aming dalawa.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon