Entry # 76: Independencia (Romance/Historical Fiction)

1K 5 6
                                    

“Tiago, hindi ko na matagalan ang ginagawa nila sa akin. M-mamayang gabi ay ipagbibili nila ako sa mga Hapones,” umiiyak na paki-usap ni Ramona.

 

“Itatakas kita, Ramona. Bago tumunog ang kampana mamayang alas-siete ng gabi inaasahan kong naroon ka sa sikretong tipanan natin sa likod ng simbahan,” lakas-loob niyang tagubilin sa nobya.

 

“Pero natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin nila sa atin, sa oras na malaman nila ito.”

 

“S-ssh! ‘Wag kang matakot. Nariyan ang Diyos para gabayan tayo.”Pinunasan niya ang luha nito at hinalikan niya ito sa pisngi. Nakaramdam siya ng galit nang mapansin ang pasa sa pisngi ng nobya. Buo na ang kaniyang pasya. Tatakas sila!

 

Ito na ang itinakdang oras! Tutunog na ang kampana maya-maya lang. Nanlalamig ang kamay niya habang hawak ang rebolber. Kasing bilis ng pagtakbo niya ay ang pagkalabog ng kanyang puso. Buwan lamang ang nagbibigay ng liwanang sa kapaligiran. Sa ‘di kalayuan ay natanaw na niya ang nobya. Napakaganda nito sa suot na baro’t saya.

 

“Tiago!” mahinang usal nito. Sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang hawak niyang rebolber. “Diyos kopo, Tiago. Baka ika’y makagawa nang labag sa kalooban ng Diyos,”

 

“S-ssh! Halika na baka makita pa nila tayo,”

 

Mabilis na naglakad ang mag-kasintahan tungo sa lugar kung saan inihimpil ni Tiago ang kanyang kabayo. Ngunit…

 

“Don Tiryo! Itinatakas ni Heneral Santiago si Seniora Ramona!” sigaw ng isang tauhan mula sa gilid ng simbahan.

 

“Lapastangang Heneral! Hulihin sila ngayon din!” kasabay noon ay ang malakas na pagkalembang ng mga kampana.

 

Mahigpit na hinawakan ni Tiago ang kamay ng nobya. Kahit madilim ang paligid ay mabilis silang tumakbo. Agad nilang narating ang kinaroroonan ng kabayo.

 

“Sildo, bilis! Yah!” malakas na sigaw ni Tiago. Kumaripas nang takbo ang kabayo kasabay ng bawat pagsipa niya sa tagiliran nito. Hinaplos niya ang kamay ng nobya na mahigpit na nakayakap sa kaniya.

 

Maya-maya ay may narinig silang umalingawngaw na tunog ng baril. Malayo na ang kanilang narating ngunit humahabol sa likuran nila ang mga tauhan ni Don Tiryo. Walang harabas silang pinapuputukan ng mga ito. Mabuti na lamang at hindi ito tumatama sa kanila.

 

Sa ‘di kalayuan ay may narinig silang malakas na hampas ng  tubig. Wala na silang matatakbuhan! Malawak na dagat ang makikita sa ibaba ng gulod na kanilang kinaroroonan. Hindi na rin sila maaaring bumalik, nasa likuran na nila ang mga tauhan. Sabay silang bumaba mula sa kabayo.

 

Marahang hinaplos ni Tiago ang pisngi ng nobya saka ginawaran ng halik sa noo. Mahigpit niyang hinawakan ito sa kamay.

 

“Sa bilang kong tatlo, sabay tayong tatalon,” lakas-loob niyang wika. Tumango ang dilag bilang pagsang-ayon.

 

“Isa… dalawa… tatlo…!”

 

Buong pwersang sabay silang tumalon. Kasabay noon ay ang sunod-sunod na pagputok ng mga baril. Malakas na hangin ang yumapos sa kanila habang bumubulusok sila paibaba. Matapos noon ay sinalubong sila ng malamig na tubig dagat.


Sa wakas! Malaya na sila mula sa mga mapang-alipustang Hapones at mga taong hangal ang kaluluwa. Wala nang hahadlang na sinuman sa kanilang pag-iibigan.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon