Entry # 4: The Girl I Love Visits Me (Romance/Tragedy)

1.2K 19 15
                                    

Tatlong taon na ang nakalipas simula nang araw na iwanan n'ya ko pero hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin s'ya at siya lang ang nag-iisa dito sa puso ko. Oo, alam kong mali pero wala akong magawa kung 'di ang patuloy na umasam na darating ang panahon na muli siyang magbabalikupang muli naming maituloy ang aming pag-iibigan. Alam kong tanga ako, pero wala akong magagawa pagkat nagmamahal lamang ako.

Akala ko imposible na talagang magkatotoo ang pangarap ko na muling makapiling ang babaeng pinakamamahal ko. Isang araw nagulat na lamang ako nang madatnan ko sa labas ng bahay namin si Rachel, hindi ako makapaniwala nang makita ko s'ya pakiramdam ko nga lumabas sa ribs ko 'yong puso ko dahil sa labis na galak.'Di ko kasi lubos akalain na magkikita kaming muli matapos ang tatlong taong walang ni ha ni ho.

"Kumusta," bati ko sa kanya. Pinilit kong kalmahin 'yong sarili ko kahit na gusto ko s'yang ikulong sa mga bisig ko nang sandaling iyon, at the same time I wanna ask her kung bakit n'ya ko biglang iniwan nang wala man lang pasabi.

Imbis na sumagot sa tanong ko, isang tipid na ngiting may bahid na kalungkutan ang itinugon n'ya sa akin.

"Tara sa loob tiyak na matutuwa si Mommy oras na makita ka n'ya," at hinawakan ko siya sa kanyang kamay upang igiya siya papasok sa loob.

"Bakit ang lamig naman ata ng kamay mo Chel, h'wag kang kabahan 'di naman galit sila Mommy sa'yo at alam ko naman na mauunawaan nila kung anoman ang dahilan sa likod ng pag-alis mo," pag-che-cheer ko sa kanya. Alam kong iniisip n'ya rin kasi ang sasabihin nila Mommy sa sandaling makaharap n'ya ito.

Tangkang aakayin ko na siyang papasok sa loob ng bahay nang bigla na lamang siyang pumiglas sa pagkakakapit ko at tumakbong palayo. Agad naman akong sumunod sa kanya, ngunit masyado siyang mabilis na tila ba parang bulang naglaho na lamang sa aking paningin.

Nang sa tantya kong 'di ko na siya makikita ay bumalik na lamang uli ako sa bahay, tatanungin ko na lang rin tuloy si Mommy kung nakita ba niya si Rachel.

Pagdating ko ng bahay agad kong tinanong si Mommy kung nakita n'ya si Rachel, pero sabi n'ya hindi nagtaka pa nga s'ya kung bakit bigla kong naisipang itanong si Rachel sa kanya. Then ikw-in-ento ko sa kanya 'yong nangyari kanina, kaso lang nagtaka ako sa naging reaksyon n'ya bigla na lamang namutla na tila ba takot na takot.

"Anong problema 'Mi?"

And she told me everything, wala na si Rachel. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko, kung alam ko lang 'di sana hindi ko siya hinayaang mag-isang lumaban sa karamdaman niya. 'Di sana magkasama kami hanggang sa huli niyang hininga, pero mas pinili niyang mag-isang harapin ang pakikibaka sa kanyang karamdaman.

'Di ko namalayang malaya na pa lang naglandas ang mga luha ko mula sa aking mata. Wala na s'ya at kahit kailan hindi na s'ya magbabalik, pero sana panaginip lang ang lahat.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon