Entry # 70: Confession (Romance/Humor)

1.2K 13 16
                                    

Heto nanaman ako. Nag-aaksaya ng oras sa pagsunod sa'yo pero hindi kagaya noon na nagmamasid lamang ako. Balak ko na kasi ang magtapat sayo.

Nang malapit na tayo sa village niyo ay agad kong tinawag ang pangalan mo kaya huminto ka at humarap sa kinatatayuan ko. Nang magtama ang mga mata natin at ngumiti ka sa akin ay bigla na lamang bumilis ang pagtibok ng puso ko at nadagdagan ang kabang dinadala ko.

"Oh bakit Mr. President?" Oo. Tama. Kilala mo ako. Ako lang naman ang Student Council President na patay na patay sa 3rd year representative ng school, ikaw.

Lumapit ako sa'yo at nagsimulang sabihin ang matagal ko nang gustong sabihin sa'yo. Napahinto ka at parang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Ace gusto din kita pero..." Nangungusap ang iyong mga mata habang sinasabi ang mga ito.

"Pero ano?" Tanong ko sayo at bigla ka na lamang yumuko at muling ibinalik sa akin ang tingin mo.

"Pwede bang tanggalin mo muna yung paa mo sa taeng tinatapakan mo bago ako sumagot sa'yo?" Napahinto ako sa sinabi niya at napatingin sa paanan kong puno ng tae.

Literal akong napamura at nakita ko siyang tumatawa. Pero nagulat na lamang ako ng bigla kang humakbang palapit sa akin at inilapit ang labi mo sa pisngi ko. Naramdaman ko ang malambot mong labi na dumampi dito pero may naalala ako na nakapagpayuko sa akin. Agad akong napatawa at tinanong mo kung bakit. Nang ituro ko sa'yo ang paa mo ay napasigaw ka na lamang sa bwisit pero napalitan din ito ng tawa sa huli.

Napangiti na lamang ako dahil sa tawa mo pero..

"Walang hiyang tae! Panira ng moment!" Sabay na sigaw natin kaya muli ay natawa tayo.

Sinong mag-aakala na ang simpleng confession na binalak ko ay magiging nakakagago pero successful confession? Well, thank you sa taeng 'yon dahil kung hindi sa kaniya ay hindi magiging masaya ang pagtatapat ko kay...     Andy.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon