Entry # 98: THE PROPOSTPONE (Romance/Humor)

997 6 7
                                    

 

MAMATAY ka na! Leche ka! paulit-ulit na chant ni Renelene sa isip habang galit na naglalakad palabas ng restaurant.  Parang gusto niyang paghahampasin ng gusali ang bawat taong nadaraanan.

"Tabi!" malakas na sigaw niya sa dalawang magkasintahan na nakaharang sa exit.  Ang laki-laki ng restaurant, bakit sa pintuan pa kailangang maglampungan?  Ganitong bwesit siya sa mundo, talagang ang mga ito ang mapagbubuntunan niya ng galit.

"We wish you a merry christmas!  We wish you a merry christmas, and a---"

"Nobyempre pa! Shadap!" Hindi na natapos ng tatlong bata ang pangangaroling ng mga ito dahil kulang na lang ay bumuga siya ng apoy.

Bakit abot-langit ang inis niya? Well, simple lang naman. Third year anniversary nila nang gabing iyon ng kanyang boyfriend na si Trence. Dapat ay may date sila, subalit bigla nito iyong iki-nan-cel at the last minute kung kailan handang-handa na siya. Nang itanong niya kung bakit, isang nakaka-lecheng 'basta' lang ang reply nito.  O, 'di ba ang saya?

Okay na sana.  Itutulog na lang sana niya ang sama ng loob nang biglang mag-text ang bestfriend niyang si Shiela Mae.  Ang sabi nito, nakita raw nito si Trence na may kasamang ibang babae sa isang restaurant.  Kaya naman napasugod siya roon.  Para siyang binuhusan ng isang balde ng kumukulong tae sa inabutan niya.  Masayang nagtatawanan ang mga ito.  Pakshet ka!

Nagulat siya nang makarinig ng magkakasunod na busina.  Tsaka lang niya na-realize na nakatayo na pala siya sa gitna ng highway.

"Hoy miss, kung may balak kang magpakamatay, tumalon ka sa tulay, 'wag dito.  Magsu-suicide ka na lang, mang-aabala ka pa!" sigaw ng isang iritadong driver.

Aba, loko 'to, ah.  Handa na siyang lapitan ito nang biglang may humila sa kanya patungo sa island na nasa gitna ng highway.

"What the heck are you doing?!" tanong ni Trence sa magkahalong inis at concerned na tinig. "Paano kung nasagasaan ka roon?  Paano kung namatay ka?"

Isang malutong na sampal ang isinagot niya rito.  "Oo, gusto kong mamatay. Dahil gusto ko kayong multuhin ng kabit mo. Mga baboy kayo!"

"Anong--"

"Huwag ka nang mag-deny. Kaya pala ayaw mong mag-propose sa akin, sa iba mo pala gustong mag-propose. Ang sama mo!  Ang kapal-kapal ng mukha mo!"

"Teka, teka, it's not like what you think.  Si Liz--"

"Magsama kayo nang Liz na 'yon."

"Wedding organizer si Liz."

"At ako ay isang hamak na small time entrepreneur lang kaya ipinagpalit mo ako sa isang wedding organizer?  Eh 'di magsama kayo. Bwesit!"

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya.  Bago pa man niya muling maibuka ang mga bibig ay siniil na nito ang labi niya ng isang mapusok na halik. Nawalan na siya ng imik. The kiss was damn intoxicating! He stopped when they ran out of breath.

"Nakipagkita ako sa kanya para dito," anito't inilabas ang isang kaheta. Nang buksan nito iyon ay nakita niya ang isang kumikislap na diamond ring. "Miss Renelene Valdezamo, will you be Mrs. Trence Villena?"

Naluha na lang siya at isinigaw ang sagot niya. "Yes!"

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon