Entry # 164: Pag-ibig na Hindi Sapat (Romance/Fantasy)

558 0 4
                                    

Wala na namang tigil sa pagluha ang mga mata mo. Pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi matanggap ang pagkawala ng dalawang sungay na labis kong ikinalilito. Ang akala ko ay nais mo akong makasama at handang maging katulad ko pero bakit ngayon?

 

May gumuhit na kirot sa aking puso. Malungkot na tinalikuran kita. Nagsimula ring tumulo ang mga luha nang tunguhin ko ang liwanag na nagmumula sa kuwarto ni diyos Ama. Humingi ng tawad dahil sa hiling. Hiniling ko na palayain ka at ibalik ka sa iyong Diyos Ama.

 

Hindi naman ako binigo ng diyos Ama dahil bumalik na ang tunay mong anyo na una kong minahal. Tumubong muli ang pinakamamahal mong mga sungay at nawala ang napakaputing mong mga pakpak na tulad ng akin. Kayumangging muli ang balat mo na kanina’y halos kasing puti ng ulap, ang mga buhok mo’y hindi na kulay ginto kundi bumalik sa pagiging itim na higit pa sa kadiliman. Nawala ang ano sa iyong mga mata at ang mga labing hindi na kulay pula.

 

Hawak-hawak ko ang kanang kamay mo habang sakay ng puting ulap. Malungkot akong nakatitig sa’yo ngunit hindi mo pansin sapagkat malayo ang tingin. Hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa mga mata mo dahil heto tayo ngayon inihahatid ng liwanag ng diyos Ama ko patungo sa totoo mong tahanan at kung saan naghihintay ang sarili mong diyos Ama.

 

“Paalam, mahal kong Genesis!” sambit mo nang lumapag ang ating mga paa sa lupa kung saan ay hindi nalalayo ang lagusan pauwi sa iyong tahanan.

 

Mahal?iyan ang salitang gusto kong sambitin nang simulan mo akong talikuran at naglakad palayo. Ikaw yata’y nahihibang dahil kong totoo ang sinabi mo’y hindi mo sana ako binalewala ang pangako natin sa isa’t-isa na hahamakin natin ang lahat basta mapanindigan natin ang pagmamahal sa isa’t-isa.

 

Hindi!sita ko sa sarili dahil naniniwala akong wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan dahil hindi sapat ang pagmamahal ko para panatilihin ka sa mga bisig ko.

 

Maya-maya ay tumingala ako nang hindi mawala ka sa paningin. Tumingin ako sa kalangitan kung saan unti-unting nagsasara ang lagusan pauwi sa tahanan. Ipinagsarhan ako ng diyos Ama dahil ikaw ang pinili ko. Ngayon ay hindi na ako makakabalik para makasama ang mga kapatid kong Anghel samantalang ikaw ay nakikipag-iyakan dahil sa kasiyahan dahil muli mong nakita at makakasama ang mga kapatid mong kampon ng kadiliman.

 

Ipinikit ko ang mga mata. Inaaalala ang una nating pagkikita. Ang mga mababagsik mong mga tingin at ang napakatamis mong mga ngiti nang mapa-ibig kita. Wala akong pinagsisihan nang makilala kita dahil sa tanang buhay ko ay natuto akong magmahal ng labis.

 

Sumabay sa pag-agos ng masayang alaala paggaan ng katawan ko dahil unti-unting nagiging abo na maya-maya ay nagsimulang sumabay sa sayaw ng ihip ng hangin.

 

“Salamat mahal kong Lucifera,” sambit ko bago tuluyang tinangay naglaho ang katawan.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon