Entry # 148: Sana Ako Na Lang (Romance/Tragedy)

676 2 2
                                    


Tatlong taon na kaming magkaibigan ni Mean. Tatlong taon ko na rin siyang lihim na minamahal. Mayaman siya, mahirap ako. Di kami bagay. Pero akala ko kasi may pag-asa rin na mahalin niya ako.



Hanggang sa nalaman ko na lang sa mismong bibig niya na may nobyo na siya. Apat na buwan na daw sila, di niya binanggit sakin para surprise daw. Nakangiti ako habang nag-kukuwento siya pero sa loob-loob ko ay para akong sinaksak ng libo-libong punyal. Malalim. Masakit. Naiinggit ako. Sana ako na lang…

 

"Nakakakilig talaga siya, Marcus! Araw araw niya akong binibigyan ng chocolates at flowers. Diba ang romantic niya? Grabe! Ang yaman niya pala." kilig na kilig na kuwento ni Mean.

 

Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ako para sa bestfriend ko o maiiyak para sa sarili ko. Parang sugat na masakit na nga, binubudburan pa ng asin at pinipigaan ng kalamansi. Ganoon kasakit. Masakit na malaman mong yung babaeng minamahal mo sa mahabang panahon, may mahal ng iba ngayon.

 

Isang gabi, umiiyak si Mean nang pagbuksan ko siya ng pinto. Tinanong ko kung anong nangyari pero hikbi lang ang sinagot niya. Yumakap siya sa sa akin at sinubukan kong pakalmahin siya. Lumipas ang mahabang sandali, at humihikbing nag-kwento si Mean sa akin.

 

"B-Bwisit na lalaking 'yun! Nakita kong may kahalikang babae sa parking lot! A-Akala ko ako lang eh... bakit ganun? Tangna niyang hayup siya! Garutay! Malandi! Two-timer! Manloloko!"



Hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko kahit basang-basa na ang damit ko.

 

Lumipas ang dalawang linggo, hindi nagpakita sa akin ang Bestfriend ko. Naisip kong baka busy lang sa school.

 

Kakauwi ko lang ng araw na iyon galing school nang madatnan ko si Mean na umiiyak sa labas ng bahay namin at nakayuko.

 

Nang makita niya ako ay agad siyang yumakap sa akin. Hindi ko alam pero may kakaiba sa yakap niya. Parang yung yakap na... namamaalam. Mabilis ko namang pinalis sa isip ko iyon.

 

"Bakit naman kasi pinagpipilitan mo yung sarili mo sa gagong 'yun? Nandito naman ako. Bakit di mo ako mapansin? Ako yung nasa harap mo, pero di mo man lang magawang sumulyap sakin. Mahal kita, Mean. Kahit alam kong masakit ang mahalin ka."

 

'Yan ang gustong-gusto kong sabihin ng mga sandaling iyon pero di ko magawa bagkus niyakap ko na lang siya.

 

Lumipas ulit ang dalawang linggo pero di na naman nagpakita si Mean sakin.

 

"Baka busy lang talaga." sabi ko sa sarili ko.

 

Hanggang sa lumipas ulit ang isang linggo pero wala pa ring Mean na nagpapakita. Nagpasya akong dalawin siya sa bahay nila. Balak ko sana siyang surpresahin kaya nagdala ako ng bulaklak at tsokolate. Balak ko rin sanang ngayon magtapat sa kanya.

 

Pero ako pala ang masusurpresa sa sinabi ng nanay niya…

 

"Anak ko?! Wala akong anak na suwail! Tatlong linggo ng wala sa pamamahay na ito ang hinahanap mo, Marcus! Nagtanan kasama ang hayup na nobyo niya!"



Natigilan ako't nanlumo. Nahuli na ako. Tuluyan nang nawala sakin ang mahal ko…

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon