Entry # 12: JOURNEY TO FOREVER (Romance/Humor)

1K 4 15
                                    

"Steph, labas tayo mamaya. Susunduin kita sa inyo, around 7pm." Bungad sa akin ni Sean, bestfriend ko. Pumayag naman ako sayang, libre iyon for sure.

Dumating ang 7pm , narinig ko na ang pagbusina ni Sean kaya naman agad akong lumabas ng bahay namin. Pagkalabas ko nakita ko si Sean na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya. Shit! Bakit ang gwapo naman ata ni Sean ngayon?

"Wow. Ang ganda mo ngayon Steph. You're like an angel. Anghel na sinipa sa langit." Sabay tawa niya.

"Tarantado ka! Sabihin mo na lang kung mukha akong tanga o ano."

"Binibiro ka lang , ikaw naman. Pero totoo, ang ganda ganda mo."

"Tara na nga, binobola mo na lang ako."

Nang makarating na kami sa lugar, napanganga ako sa nakita ko, ang ganda! puro puno at madaming Christmas Lights.

"Teka Steph, may naiwan ako sa kotse. Mauna ka na, susunod ako." Paalam niya sa akin,

Kaya naman nauna na akong pumasok, lumaki ang mga mata ko sa nakita ko, puro pictures ko na nakasabit sa puno. Bawat picture may mga mensahe. Nang nasa gitna na ako, biglang may tumapat na spotlight sa akin at nakita ko si Sean na nasa stage at may hawak na gitara at mic. "Nagustuhan mo ba ang surprise ko sayo Steph?" sabay kamot niya sa ulo niya. Agad akong tumango para malaman niya na nagustuhan ko. "Steph, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sayo. Ganito nalang, pakinggan mo yung kakantahin ko, andito lahat ng gusto kong sabihin sayo. " Pumailanlang ang pamilyar na kanta sakin at.aaminin ko, kinikilig ako dahil first time may gumawa sa akin ng ganito,

Maniniwala ka ba kung malaman mo
Ikaw yata ang tinatangi ng puso kong ito
Iisipin mo nga kayang
Nagbibiro lamang ako
Mahal kita mahal kita
Palagay ko

Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
Di pa kase masabi
Ng puso ang nadarama
Pansinin mo rin kaya
Mahalin mo rin sana
Kasi na nga
Palagay ko mahal kita

Nang matapos siyang kumanta, agad niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay. "Alam kong naguguluhan ka kasi magbestfriend tayo. Pero Steph, totoo. Mahal kita. Mahal na mahal." Napaiyak ako dahil sa pag-amin niya.

"Pero kung hanggang kaibigan lang talaga, tatanggapin ko." Sabay talikod at lakad niya palayo sakin. Aba ang bastos ng isang ito, nagtapat tapos lalayasan ako, binato ko nga, ayun, bull's eye!

"Mahal din kita!" Ramdam kong nagulat siya sa sinabi ko, at tuluyang bumalik sa harapan ko.

"Talaga? Mahal mo din ako?" sabay yugyog niya sa akin.

"Oo! Mahal kita! Noon pa man mahal na kita!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya dahil sa sinabi mo. Thank you Steph. Salamat sa pagdating mo sa buhay ko. I promise na hindi kita lolokohin. Gagawin ko lahat para mapasaya ka." Sabay yakap niya sa akin. Alam ko, ito na ang start ng forever na hinahangad ko at masaya ako na si Sean ang kasama ko sa pagtupad nun.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon