Part 2 - Chapter 4

2.1K 59 14
                                    

 

 

4 - The Boss


 

===

"Come on guys! Konting bilis. Papunta na raw siya sa department natin!" Napaangat ako ng tingin sa mga kasamahan kong trainees. Hindi sila mapakali at panay ang paglalagay ng make-up sa mukha. Ang iba naman ay hindi magkaugaga sa pag-aayos ng buhok. Kung hindi kulot ay rebonded ang buhok nila. Teka nga anong meron? Sino ba ang dadating?

Napanguso ako at nagpatuloy na lang sa pag-eencode ng mga documents sa kaharap kong computer. Hindi nga lang ako masyadong makapag concentrate dahil naririnig ko ang komosyon at hagikhikan ng mga kasamahan ko.

Ilang sandali pa ay tumabi sa akin si Ai at bumulong. "Shoot! Sulli, mamaya na 'yan. We need to prepare. He is coming." Halos mawalan siya ng hininga sa bilis ng kanyang pagsasalita.

"Sino?" Takang tanong ko naman.

"Iyong anak ni Madame President." Sagot niya sabay ngiti ng makahulugan. She even blushed. What the? Pati ba naman siya?

"Ha? Bakit daw? May event ba? Anong meron?" Akala ko ba hindi siya nagpupunta rito? Saka pumasok naman ako kahapon at walang nabanggit na may ganitong mangyayari.

"Surprise visit yata. Tumayo ka muna kasi diyan para makapag ayos ng konti." Hindi naman siguro ako mukhang haggard para mag-ayos pa. Binaliwala ko na lang ang sinabi niya at inayos na lang ang mga nakakalat na papel sa desk ko para hindi naman nakakahiya.

Nakita kong sumilip ang isang empleyado sa pintuan ang trainee room at sumenyas na maghanda na kami. Hinila ako ni Ai patayo at sumunod naman ako sa kanya. Nakapwesto lang ako sa likod ng table habang ang mga kasamahan ko ay pumwesto at diretsong nakahilera sa tabi ng pinto.

Ang laki ng kanilang mga ngiti at halatang excited. They should stop showing off. He is not just an ordinary man here. He is the president's son. Psh. Halatang ready na silang magpapansin.

Napatayo kami ng tuwid ng marinig namin ang boses ng maing department head, si Mrs. Ellis. It looks like she is talking to him while walking near the door. "Here are the new trainees sir. They came from different Universities and we made sure everyone is fit for the job." Nakangiting pumasok si Ma'am at inilahad ang kamay paturo sa pwesto namin.

Narinig kong napasinghap ang mga kasamahan ko nang magsimulang maglakad papasok ang anak ng Presidente. Ai slightly pinched me on my arm. Kinikilig siya.

Okay. I know why they are acting like that. He is insanely handsome. No doubt about it. Siya iyong tipong tao na kapag nakasalubong mo sa daan ay imposibleng hindi ka lilingon pabalik. Mula sa kinatatayuan ko ay naamoy ko ang mamahaling pabango niya. Para tuloy ang sarap niyang yakapin.

He looked so serious. Halos wala ngang mababakas na emosyon sa kanya kung hindi ang pagiging mukhang suplado. "Shit." Dinig kong bulong ni Ai. Mukhang hindi niya na mapigilan ang kilig na nararamdaman niya. Sinilip ko lang siya sandali at binalik ulit ang tingin sa lalaking nakatayo sa harap namin.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon