Part 2 - Chapter 27

961 48 17
                                        

27 - Indirect

===

Pagkatapos punasan ang luha sa mga mata ko ay tumingin ako ng diretso kay Vini. His eyes are so deep, you can get lost to it. Sumulyap ako sa daan na tinahak ni hubby. Wala na. His car was so far away, I can't chase it anymore. "Malayo na siya." Bulong ko pagkatapos ay pasimpleng humagip ng tingin kay Vini. Pakiramdam ko malulunod ako sa klase ng tingin na binibigay niya. I can't stare long. It's like a trap. I should be careful not to fall.

I heard him chuckle for a second.  "Let's go." Napatingin ako ulit  sa kanya. Nakaupo pa rin kaming pareho. "Look at your knees, they're bleeding." He pointed on my knees. He helped me in getting up. He held my hands, his touch is so warm. It helped me in a way. 

I never imagined him giving me comfort like this but somehow I feel thankful that I have someone on my side right now. Saka ko na iisipin kung ano ang gagawin o magiging reaksyon ng iba pang mga tao doon. That's the last thing that I should care about right now.

Hinila ako ni Vini papunta sa kanyang sasakyan. May dala siyang first aid kit, hindi ko alam kung sino talaga ang may ari noon. Siya na ang gumamot at nagbenda sa sugat ko. Nahiya pa nga ako ng una pero naging mapilit siya kaya hinayaan ko na lang. Tumigil na ang pagdudugo pero masakit pa rin. Umiika tuloy akong naglalakad habang umaalalay naman siya sa akin.

We ended up in an ice cream parlor. Ang sabi niya, palagi niyang naririnig na ang mga babae kapag malungkot o depressed laging naghahanap ng ice cream o kaya kahit anong pagkain na matatamis. Gusto kong tanungin kung gaano ba karaming babae ang nagsabi sa kanya noon. Knowing him, he sure has a lot of girls on his sleeve.

"What flavor do you want?" He asked. We are facing each other while sitting in a  table for two. 

"Hmmm..." Humarap ako sa may counter kung saan may nakalagay na menu, hindi ko nga lang masyadong maaninag. Mabuti na lang may dumating na waiter at inabot sa amin ang dalawang menu. "Thank you po." Pasasalamat ko at ngumiti naman siya pabalik sa akin. Umalis muna siya pagkatapos sabihin natawagin na lang namin siya kapag may order na kami.

"Chocolate?" Vini asked.  I looked at the menu in my hands. There are so many flavors, it's hard to choose really. I pouted my lips while thinking. "Hmmm... Mango?" I answered but still not sure.

"How about coffee flavor?" He asked back.

"May ganun pala? Never pa akong nakatikim 'nun ah. Try ko kaya?" 

"So? Iyon na lang?" Napanguso ulit ako at hindi agad nakasagot. Hindi pa rin talaga ako sure. Binaba ko ang tingin ko sa listahan ng flavors. "Ah! Strawberry na lang." Excited kong sabi nang makita ko iyon. 

"Okay." He said and called the waiter to give our orders. I heard him order the coffee flavored ice cream. Natakam rin ako dun, pwede kaya akong tumikim mamaya? Pwede siguro akong humingi ng kaunti sa kanya. Maya maya pa ay dumating na ang inorder namin. Agad ko iyong inabot kahit nasa ere pa at ibinibigay pa lang ng waiter. Natawa si Vini at nginitian ko nalang siya. 

"You're so excited young lady."

"Mukhang masarap eh." I laughed. He became quiet for a minute. Parang may dumaang anghel dahil naging payapa, parang sakto na wala ring nagsasalita sa mga tao sa paligid. "You look more beautiful when you smile." He said while staring at me. Susme, kung nakakalusaw lang ang titig, nauna pa akong nalusaw kaysa sa ice cream na hawak ko. 

"You're red. 'Wag mong sabihin na kinikilig ka?" He teased me while laughing. Ang sarap sa tenga ng tawa niya, parang wala siyang problema. Mas madalas na siyang tumatawa ngayon pero parang hindi pa rin ako kasanay. 

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon