Because your eyes, nose, lips.
Every look and every breath.
Every kiss, still got me dying, still got me crying.
Peste. May LSS na ako sa kantang 'yan. Paulit ulit ko pang pinapatugtog at hindi maalis sa utak ko ang lyrics. Ang aga ko kasi nagising kanina kaya nagpunta muna ako sa harap ng laptop ko at nag youtube tapos boom! LSS na. Ang genius kasi. Some people are really good in making great music. Wala lang, naisip ko lang bigla. Ang bright ko talaga. Haha.
May napanood nga rin akong mga videos ng isang kpop group, EXO yata 'yung tawag sa grupo na 'yon. Alam ko sikat talaga iyon eh. Nakakatuwa nga kasi may kamukha si hubby. As in parang pinagbiyak na bunga. Ohorat yata ang pangalan 'nun. Basta magkahawig talaga sila. Papakita ko nga kay hubby minsan. Hahaha.
May kamukha nga rin si Kuya Tao at Kuya Kris eh. Ewan ko ba. Inaantok pa lang siguro ako.Hihi.
Nagpasya na akong tumayo sa kama ko nang mapansin ko na konting oras na lang pala kailangan ko na pumasok sa University. Enjoy pa naman ako sa panonood. Pagkakain ko ng almusal ay diretso na ako sa pag-alis.
Kakapasok ko lang ng gate ng school ay napatigil ako dahil may sadyang bumangga sa katawan ko. Alam ko talagang sadya dahil humahagikhik pa siya pagkatapos sa tabi ko. Ang tulis ng buto niya sa braso kaya nakaramdama ko ng hapdi. Ang aga mang bad trip.
"Woops! Bessy! Peace! Ang aga aga kunot na ang noo mo agad. Don't be like that. Shine bright like a diamond. Hahaha." Sinimangutan ko siya at binatukan. Nagawa pang mangtrip ng babeng 'to.
"Eh sira ka pala eh, saktan kaya kita ngayon. Matutuwa ka ba ha?" Itinaas ko ang dulo ng nguso ko at umakmang babatukan siya ulit.
"Sinaktan mo na nga ako eh!" Sabay himas sa ulo niyang hinampas ko.
"Buti nga! Hahaha!" Hinampas ko ulit siya pero sa braso naman at tsaka tumakbo ng mabilis. Hinabol naman niya ako habang tumatawa ng malakas. "Hoy Sulling mapangit! Lagot ka sa akin kapag nahuli kita!"
"Kung mahuhuli mo. Hahaha." Para kaming mga batang naghahabulan. Ang sama na nga ng tingin ng mga nakakakita at nakakasalubong namin eh. Minsan talaga, nagsasabay ang pagiging baliw namin ng bestfriend ko.
Napatigil ako sa pagtakbo nang may nakita ako ilang mga babaeng medyo nakatago sa gilid ng isa sa mga building na nadaanan ko. Medyo tago na ang lugar na ito, hindi ko na namalayan na dito na kami nakarating ni bessy sa kakatakbo namin.
"Ouch." Nauntog si Krystal sa may likod ko dahil sa biglang paghinto na ginawa ko. Lumingon ako ng bahagya sa kanya at nakita kong napahimas siya sa noo niya. "Ssshhh." Itinapat ko ang daliri ko sa may labi para sensyasan siya na manahimik. Nakuha naman niya agad at sumilip rin sa tinitingnan ko.
"Sila Cindy iyan ha." Bulong ni Krystal sa likod ko. Mukhang may pinagtitripan na naman ang grupo nila Cindy. Mga wala talaga silang magawang matino.
Napahakbang akong paabante sa pwesto nila nang mapansin ko na si Jammy pala ang pinalilibutan ni Cindy at ng mga kasamahan niya. Biglang nag-init ang dugo ko nung makita ko na biglang sinampal ni Cindy si Jammy. Tumakbo ako sa pwesto nila at agad iniharang ang katawan ko kay Cindy. Humabol din si Krystal at tumabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun
