16 - Say No
===
"Same smell? Hindi naman ah." Diretso kong sagot. I tried not to stutter in front of him. I shouldn't be stuttering because I am not guilty. Hindi naman diba?
Umayos siya ng upo at tiningnan lang ako ng diretso sa mata. I can't see any emotion which is scarier on my part. I don't want any guessing game.
He started the engine and drove without saying anything. Kunwari inayos ko ang strap ng seatbelt sa katawan ko. Masyado na akong nag-iisip at hindi ko dapat pinagtutuunan ng atensyon ang mga ganoong bagay. If he likes playing I will make him see that I'm not a game.
Habang nagmamaneho si hubby, hindi ko alam kung magsasalita ba ako o ano. Aminin ko na lang kaya kung anong nangyari? Shit. Hindi. Baka sipain ako palabas nito o kaya mas matindi wakasan niya ang buhay ni Vini.
Pero wala naman talaga iyon. Kakalimutan ko na lang at hindi na muling lalapit sa kanya para walang gulo. Tama Sulli, ganoon nga ang dapat na gawin mo.
We are riding in silence and this is not a silence that I like. I wanna say something but I cannot point what's stopping me from doing it. Tumitingin na lang ako sa mga nagkikislapang ilaw sa labas at sa taong nagkalat sa daan.
"What?" Nagulat pa ako at napalingon kay hubby dahil sa biglang pagsasalita niya. Hindi naman siya sumigaw pero may halong inis sa boses niya. Akala ko nung una ako ang kinakausap niya pero hindi naman pala dahil hawak niya ang phone niya. May tumatawag sa kanya.
"Shit. Okay. Just wait." Nag U-turn siya sa kabilang lane para makabalik sa direksyon ng pinaggalingan namin. Napatingin siya saglit sa akin pero siguradong nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya nagsalita siya. "Mom and Jeno are waiting for us. Gonna join us for dinner." Napanganga ako habang tumatango sa kanya. I was surprised to know that his mother is already here. I though she will come next week.
Huminto kami sa harap ng isang mamahaling restaurant. Binuksan ni hubby ang pintuan sa side ko at inalalayan akong lumabas. Nakita ko kung paano napalingon ang halos lahat ng mga babae sa loob ng restaurant. It seems like he is not aware of the attention that they are giving him because he is walking like nothing can bother him.
Napahinga ako ng malalim dahil sa nakakalusaw nilang tingin. Akin lang siya. Akin.
Nauuna ng kaunti maglakad sa akin si hubby pero huminto siya para lumingon sa akin. I saw how his eyebrows furrowed. Lumakad siya pabalik at hinapit ako papalapit sa kanya. He intertwined our fingers that made the people stare at our hands- at us.
I smiled at him. Kinilig ako. Akala niyo ha! Akin lang ang lalaking 'to.
Inilagay niya ang isang kamay niya sa ulo ko at marahang hinalikan ang aking noo. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kilig.
Malayo pa lang ay nakita na naman si Jeno na kumakaway mula sa kinauupuan niya. He is all smiles. Iyong tipong kung pwede nga lang sigurong paabutin sa tenga ang mga ngiti niya ay gagawin niya.
Pagkalapit namin ay tumayo siya at diretsong nakatingin sa akin na para bang hindi niya nakikita ang kuya niyang masama ang tingin pabalik sa kanya.
Nabunggo niya pa si hubby habang nagmamadaling lumalapit sa akin. "I missed you Ate Sul." He kissed me on my right cheek. Akala ko tapos na pero nagulat pa ako sa pahabol na halik sa kabilang pisngi. "I really miss you!" Lumaki pa lalo ang ngiti niya na napalitan lang ng pagsimangot nang bigla siya batukan ni hubby ng malakas.
"Shete naman Kuya! Ang sakit 'nun ah! Napaka brutal mo talaga! Isusumbong kita kay Mommy! Napakasama mo kahit kailan! Bwisit." Sininghalan niya si hubby at hindi ko mapigilang hindi mapahagikhik sa itsura niya. He looks so cuter when he is turning red.
"I told you not to touch her and to never kiss her again. You forgot that huh? Stupid spoiled brat?" Hubby hissed.
"Sinabi ko bang susundin kita ha brutal brother?" Tinaas pa ni Jeno ang ulo niya na parang naghahamon ng away.
"You fucki-"
"Stop that kids." Hindi na naituloy ni hubby ang sanang sasabihin niya dahil pare-pareho kaming natigilan sa biglaang pagdating ng Mommy nila. Tulo yata ang laway ko sa ganda niya. Kahit may edad na ay mapaghahalataan mo talaga ang gandang babae niya. Elegant and classy, that how I will describe her.
"Mommy! You're in good timing! Look at your bastard, he is hurting me again." Tinuro niya si hubby sabay yakap sa bewang ng Mommy niya. He even pouted and it made me smile because he became so much cuter.
Hinaplos naman siya ng kanyang Mommy sa ulo bago magsalita. "That's enough boys. Nanggaling lang ako sa restroom, may komosyon na agad rito. Behave okay? Ngayon na nga lang ulit tayo magkikita, mag-aaway pa kayo." Napatango silang pareho kahit halatang pilit at hindi bukal sa loob.
"Oh my God! You look more beautiful than the last time I saw you, baby." She smiled widely at me and started walking at my direction. She cupped my face and looked at me with dreamy eyes.
"Mom." Hubby interrupted at the side.
"Selos ka agad, son? Pahiram muna ng baby mo okay? Hihi." She giggled like a child.
"Psh." Hubby murmured.
Hinila agad ako ni Mommy sa katabi niyang upuan at nagsimula ng magkwento. Napaaga raw ang uwi niya dahil na excite siyang makita ulit ako. Natawa naman ako kasi parang wala na siyang ibang kasama kung hindi ako dahil ako lang ang pinapansin at kinakausap niya habang tahimik na kumakain ang mga totoong anak niya.
"Kailan na nga ba ako magkaka-apo?" She asked with a sweet voice. Pareho naman kami ni hubby na muntik ng maibuga ang laman ng aming bibig. Nakakagulat, bigla ba naman magtanong ng ganoon?
I can hear her giggling on her seat. "Mommy! What the hell are you talking about?" My boyfie asked. Naiinis na naman eh kapag kaming dalawa ang lakas mang asar.
"Why? I think it's about time. You will be graduating in few months now. You can do it right now so we can have cute little babies in the house once you finish school. Brillian idea right?" Hindi kami sumasagot ni hubby habang si Jeno naman ay parang walang naririnig at busy sa paghigop ng noodles niya.
"Just shut it. Not now."
"Sus! Doon rin naman ang dating niyan." She rolled her eyes and then continued talking. "By the way, baby... I've got something to tell you." She started caressing my face with her soft hand.
"Ano po 'yon mommy?" I asked.
"I have a feeling it's not a good thing so stop it right there mom. Don't ruin my girlfriend's life." She gave dagger looks to his mother but she ignored it and looked at me.
"I am inviting you to walk on my runway show." She seriously said.
"Ano po?" Napalakas yata ang boses ko sa pagkabigla.
"What?" Hindi pa nakakasagot si Mommy ay sumingit na agad si hubby sa kanya. I know that tone of voice. He is getting angrier.
"Why, my son? You said you won't participate so I am asking your dear girlfriend. Not you, so don't over react."
"I'm not fucking over reacting. She will not join. End of story."
"And why not? She will decide for herself not you." Nagpalit palit ako ng tingin sa kanilang dalawa, napapagitnaan kasi nila ako.
"No." Hubby said with finality on his voice. She gave him a mad look and it immediately turned into loving eyes when she stared back at me.
"Baby, you will join right? It will really make me happy. Hindi mo naman ako kayang tanggihan diba?" Ang lambing nagpagkakasabi niya. I don't know how to say no.
Paano ba? Ayoko dahil alam kong hindi ko kaya. I don't wanna embarrassed myself, most especially them, so I'd rather not. Problem is, how can I say that I won't accept it?
How?
===
Nakakabitin talaga 'yung EXO Next Door. Dami ko pa namang tawa at kilig. Huhu. :'(
... and I immediately fell in love with the girl lead Moon Ga Young. She's perfect for the role. Love her!
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfic"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun