Part 2 - Chapter 2

2.7K 65 7
                                    

2-  What The Hell

===

"Yeah, I've heard na ang gwapo nga raw talaga ng anak ni Madame. I hope we can see him someday." Dinig kong bulong ng isa sa mga kasamahan ko sa training. Sumulyap ako sa kanya at pansin ko ang namumulang niyang pisngi. Nagpatuloy na lang ako sa pag-eencode ng mga documents na ibinigay sa akin.

"Ang balita nga lang hindi naman siya pumupunta dito sa company. How can we see him?" Tanong ng isa ko pang kasamahan. Mukhang nagiging close na sila sa isa't isa samantalang ako wala man lang kumakausap sa akin maliban kay Ailee, na isang scholar at si Mister chocolate slash Mister flirt.

Iyong iba kasi mga masyado ng pa sosyal at namimili lang ng makakusap. It's not that I care. Mas mabuti na iyon kaysa makipagplastican sa kanila. I prefer it that way.

"Hey girls. Stop talking about him. Baka mamaya may makarinig sa inyo at paalisin kayo dito." Singit ni Mister chocolate at saka tumawa. Tumingin ako sa kanya at nakita king kumindat siya. Ugh. Another playboy?

"OA naman kung ganun. But you know Jin, if you don't want me to talk about him, maybe we can go out sometime?" Maarteng sabi ni ateng may maputing balat at napakapulang labi. May collection siguro siya ng lipstick. Kahapon kasi, violet naman ang kulay ng labi niya.

"Sure sweety, you have my number 'ayt?" Flirts. Psh. Tumayo na lang muna ako para kumuha ng libreng kape sa cafeteria. Narinig ko pang nagkakantyawan sila sa loob ng training office.

"Wait! Hi! Sulli right?" Pigil sa akin ni Ailee nang makalabas na ako ng kwarto. Iniabot ko naman ang kamay niyang naghihintay para makamayan ko.

"Yes. Bakit? Kukuha ka rin ng coffee?" 

"Yep. Saka para makalabas na rin doon. Feeling ko masusufocate ako sa kaartehan at kalandiaan ng mga tao 'dun. Hahaha. And you can just call me Ai for short." Nakangiti niyang sabi sa akin pero hindi ko napigilang mapanganga sa pagiging taklesa niya. Agad naman nanlaki ang mata niya at napatakip sa bibig dahil sa reaksyon ko.

"Oops! Sorry naman. Hindi ko na napigilan. Haha. Pero seriously, totoo naman diba? Ewan, hindi lang siguro ako sanay kasi puro simpleng tao lang ang nakakasalamuha ko."

"Kailangan na nga yata natin masanay." Sagot ko naman. 

"Siguro nga." Tumingin siya sa wrist watch niya bago nagsalita.

"Break na rin pala natin. Huwag muna tayonng bumalik. Dito na natin inumin ang kape." Tumango ako sa kanya at pumwesto kami sa pangdalawang mesa sa bandang gilid ng cafeteria.

"Narinig mo ba ang pinag-uusapan nila kanina? Na curious lang ako. Dati ko pa kasi naririnig na ang gwapo nga raw talaga ng anak ng may-ari ng kompanyang ito. May nakita akong picture niya dati pero matagal na iyon. Two years ago pa yata." Kwento niya agad pagkaupo namin.

"Ah. Sabi nga daw nila." Tipid kong sagot.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon