Chapter 13 - Blood

4.6K 68 5
                                    



"Easy, easy. Relax lang captain." Suho put both of his arms in the air like a sign of surrener. Lumapit ang mga kasamahan nila sa basketball team. Nakapalibot na silang lahat sa amin.


"What happened?" Nakita kong sumulyap siya kay Suho tapos ay kay Krystal. Walang sumagot sa kanila kaya ako na ang nagsalita.


"Ito kasing magaling na lalaki na 'to! Tama ba naman na gawin niya yun kay bessy? He rejected her in front of a lot of people. Pwede naman niyang sabihin ng maayos eh. Wag mo kong sisihin kung bigla ko na lang siyang suntukin sa mukha!" Dinuro ko siya at narinig ko ang tawanan ng ibang teammates nila. Mukha ba akong nagbibiro? Sila kaya ang sapakin ko nang masampolan? I tried using my laser deadly eyes para tumigil sila at mukhang gumana kasi natahimik sila at napayuko.


"Sul, tara na. It's okay. I'm okay. Let's go, may klase pa tayo." Bumulong sa akin si Krystal at saka hinawakan ang braso ko para hilahin palayo.


"It's not okay! Oi ikaw! Mag sorry kang pandak ka!" Dinuro ko ulit siya at narinig ko na humagalpak ng tawa ang mga lalaking bugok.


"Hahaha. Ayos 'tong si Misis Oh palaban! Gusto ko yung sinabi mo. Hahaha. Laugh trip mga pare!" Nagsalita iyong lalaking matangkad na patusok ang buhok. Hindi na yata siya makahinga sa kakatawa. Naki high five pa siya sa mga kasama niya. Nung napatingin ako kay Suho, namumula na ang mukha niya. Kung wala siguro ang Captain nila dito, kanina niya pa ako sinapak.


"What the! That's below the belt miss and you can't make me say sorry when I don't want to. Siya ang may diperensya kasi siya ang nagpupumilit kahit ayoko. Mahirap bang intindihin ang salitang ayoko sa kanya?" Tumingin pa siya sa pwesto ni Krystal habang sinasabi iyon. 


Nakakakulo talaga siya ng dugo!


"Talagang ikaw pa ang may lakas ng loob magmalaki? I really want to punch you right now, you know that?"


"You can't make me like her."


"Sinabi ko ba magustuhan mo siya? Hoy! Para sabihin ko sayo maraming nagkakagusto sa kaibigan ko at sinisigurado ko na magsisisi ka sa pananakit mo sa kanya! Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo kaya wag lang feeling!" Umuusok na ang ilong ko sa kanya.


"Sul, tama na. Let's go." Krystal held me in my arms again.


"No! He should say sorry first! Ano na? Hihingi ka ba ng sorry o gusto mong matikman ang kamao ko?" 


"Shit talaga. Ang kulit niyo." He mumbled.


"Your mouth Suho." My hubby warned him.


"Hay! Whatever!" He answered back.


"Say sorry. You're wasting everyone's time." Hubby said while giving him a warning look.


"I don't want to say sorry Captain. Sila nga itong bigla na lang mang-iistorbo. Tsk." Napailing siya pagkatapos sabihin 'yon. Kami pa ang istorbo ganun?

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon