Part 2 - Chapter 9

1.6K 50 14
                                    

9 - Night Changes

===

The next days of our training are so busy. This is the time of the year that the company will officially launch their summer collection. Ang daming designer, stylists at models ang pumupunta sa kompanya. Everyone is busy. There is a news that the CEO will book a flight to attend the runway show which is the main event of the presentation. Hindi ko nga alam kung maeexcite ako o kakabahan. 

"Excuse me po." Kanina ko pa sinasabi ang linyang 'to. Ako na naman kasi ang tinatambakan ng trabaho ni  Miss Minchin. Lahat naman ay may ginagawa pero pansin ko mas marami ang inuutos sa akin. Ayoko na lang masyadong personalin dahil baka masira pa ang paggawa ng trabaho ko. May dala ako ngayon na isang box na naglalaman ng mga damit at accessories na kailangan kong dalhin sa mga models na nasa taas na palapag pa. Mabuti na lang naka flat shoes ako ngayon. Actually, halos palagi naman. I want to feel comfortable.

Pagpasok ko sa isa sa mga silid doon ay naabutan ko na ang mga models sa loob. Pinipigilan kong mapanganga sa kanila. They all look so exceptional and classy. Sa isang sulok ay nakita ko si Vini kasama ang ilan sa mga co-models niya nagkekwentuhan. I noticed that he dyed his hair dark brown from ash gray.

Hindi naman ganun katangkad si Vini peo pansin ko na iba ang dating niya. Kahit nga iyong malalaki at matitipunong male models, nalalamangan ng appeal niya. He has this aura that will get your attention.

Tumulong ako at sumunod sa mga inutos sa akin. Ilang oras na rin yata kaming walang tigil sa pagtatrabaho. Fashion industry is not a joke. When you are watching runways or fashions shows , you only get to see the glamour and beauty but you're not able to see what is behind that. Parang panunuod na rin ng concerts, movies and tv shows. As part of the audience, you won't even think of the hardwork of those who are behind the scene.

Nung sinabi sa akin na pwede na muna ako magpahinga ay agad akong umupo sa isa sa mga plastic chair na nakapwesto sa bandalng gilid ng silid. Napasandal ako habang nagmamasid sa mga tao sa paligid. Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko para magpunas ng pawis na kanina pa tumutulo. I can hear voices from the models that are having their chit chats from the other side of the room. Looks like they are on break too.

Habang pasimple akong tumitingin sa kanila ay nahagip na naman ng mata ko si Vini. He is smiling. Freak! Wait? He's smiling?

Mas lalo pang nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang malakas na tawa niya dahil sa sinabi ng katabi niyang foreigner na model. The other model tapped his back and they laughed in chorus. I just can't beleive what I'm seeing. Is he really capable of smiling and laughing? Ugh. The world might end.

Natigil lang ang pagkamangha ko sa kanila nang biglang tumingin sa akon si Vini. Kumunot ang noo niya at natigil siya sa pagtawa. Saka ko lang na realize na napanganga pala ako nang mapahawak ako sa bibig ko para takpan iyon. Punyemas. He saw me looking at him. No. He saw me staring at him. Fudge. I feel so embarrased. Baka mamaya isipin niya may gusto ako sa kanya eh mukhang siya pa naman iyong tipo ng tao na assuming.

"Sulli! Na miss kita!" Naalis lang ang tingin ko sa kanya dahil may biglang yumakap sa akin mula sa likod. It's Ai.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon