Chapter 33 - Questions

2.9K 65 15
                                    

Kasama  kong mag lunch ang dalawang kuya ko. Hindi ko alam kung anong trip nila kasi parang hindi ko naman matandaan na nagsasabay kaming kumain kapag nasa university. Alam ko naman na busy sila at may kanya kanyang grupo kaya naninibago ako nung sunduin nila ako sa classroom para sabay raw kaming kumain.

"Eat this one baby sis. Bakit ba ang hina mo yatang kumain ngayon? May sakit ka ba?" Inabutan ako ni kuya Tao ng isang plato ng pasta. I should be pigging out right now. If only I'm in my usual self but I'm really not in the mood.

Kahit nga hindi pa ako kumakain simula kagabi at kahit nakakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura ko, hindi man lang ako humawak ng kahit anong pagkain. Maybe I look like a zombie right now.

"Busog pa ako kuya." Sagot ko sa kanya.

"Busog? Did you eat last night? You did not even eat your breakfast this morning." Kuya Kris said and eyed me suspiciously. Sometimes I hate it when I feel like he knows everything even if he is not saying anything.

"Yep. Kumain ako sa kwarto kagabi hindi niyo lang nakita.  Saka hindi na ako nakakain kaninang umaga kasi busog pa nga ako saka baka ma-late pa ako." Pagdadahilan ko sa kanila.

"Kahit na. Kainin mo na 'yan. Hindi ka aalis sa kinauupuan mo kapag hindi mo naubos 'yan." Pinagtulakan pa lalo ni kuya Tao ang pagkain sa harap ko.

Ginagalaw ko ng kaunti ang pagkain ko para naman hindi na ako pag-initan ng dalawa kong kapatid. Hindi naaalis ang pagsulyap nila sa akin habang kumakain rin sila kaya napilitan akong magkunwari na kumakain kahit halos wala naman talagang bawas ang plato ko. 

Napansin ko na halos lahat yata ng babae sa cafeteria hindi mapakali sa kinauupuan nila dahil sa kakatingin sa mga kuya ko. Nakakainis na rin minsan kasi hindi rin ako makakilos ng maayos dahil lahat ng mata nakatuon sa pwesto namin kapag kasama ko kahit sino sa kanilang dalawa.

Napalingon ako sa kanan ko at napansin ko na halos maglumpasay na ang mga babae sa katabing mesa namin. Inirapan ko sila dahil ang ingay nila at naiirita talaga ako sa lahat ng bagay ngayon. Kahit sa maliliit na bagay lang mabilis akong mabwisit kahit tapos na ang dalaw ko.

Napalingon rin si Kuya Kris sa tinitignan ko at lalo pang nagkagulo ang mga babeng iyon. Tsk. Napangunot ang noo niya at binalik ang tingin sa akin.

"Kuya, wag mo nga silang tingan."

"Why baby? Ginugulo ka ba nila?"

"Hindi naman. Ang ingay kasi eh." Huminga ako ng malalim at tumabi ng upo sa kanya. Iniyakap ko ang dalawang braso ko sa kanyang braso at humilig sa balikat niya.

"Something's bothering you baby sis. What's that? Common, you can tell kuya." Tiningnan ko siya kahit nakahilig pa rin ang ulo ko at tumingin naman siya pabalik sa akin.

"Wala. Don't mind me kuya. Tinatamad lang ako ngayong araw."

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon