Kinabukasan nang magising ako, wala na si hubby sa tabi ko. Itinali ko ang aking buhok, naghilamos at bumaba papuntang kusina. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Hindi ako nakapag hapunan kagabi, sa sobrang pagod siguro.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Shit. Hanggang ngayon ba naman? Akala ko nga mauubos na ang buhok ko sa pagsabunot ng bruhang iyon. Napansin ko rin namumula ang braso at may mga ilang kalmot ako. Pusa na rin siya ganoon? Grr talaga! Ano bang inaarte niya? Feeling niya maaagaw niya sa akin si hubby? Nek nek niya!
Nang makababa ako, nakita ko si Kuya Tao at si hubby sa dining table. Nag-uusap sila habang umiinom ng kape. Naalala ko pa nung unang araw ko sa College, pinaalalahanan pa ako ni Kuya na huwag magpaligaw pero mismong araw rin na iyon kami nagkita ni hubby at alam mo na hindi maiiwasan. I fell really hard.
In fairness, nagkasundo naman sila. Nung una hindi nagustuhan ni Kuya na mag boyfriend ako. Sinabi ko kaagad kay hubby at nagpumilit agad siyang pumunta ng bahay namin. Nag-usap sila ng pribado noon tapos naging maayos na. Weird because my brother is not easy to please when it comes to me. Well, I cannot complain. Mas okay na iyon.
Mukhang nakauwi na si hubby dahil iba na ang suot niyang damit at mukhang bagong paligo. Kahit ilang dangkal pa ang layo ko, naamoy ko na ang bango niya. Napalunok ako nung makita ko ang matalim na tingin sa akin ni Kuya habang naglalakad ako papalapit. Mukhang alam niya na. Lumapit muna ako sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi.
"Good morning Kuya!" Tapos lumipat ako sa kabilang side kung nasaan si hubby at siyempre binigyan ko rin siya ng sweet kiss sa pisngi. Ayoko sa muna sa lips kasi nakatingin si Kuya kaya akward tapos baka bigla na lang niya akong batuhin ng tasa niya.
"Sulli." My brother called my name.
"Hmmm?" Patay malisya ko. Kunwari busy sa pagkain.
"What really happened?" Napatingin ako sa kanya kahit lumulobo ang pisngi ko sa nakapasak na pagkain.
Alam ko naman na ang rambulang naganap kahapon ang tinatanong niya. Hindi nga ako nakaganti eh! Umiinit tuloy lalo ang ulo ko kapag naaalala ko iyon.
"Kuya, mukha ba akong warfreak? Siya ang nanguna. Wala akong ginagawa." Pagtatanggol ko agad sa aking sarili.
"Pinapatawag si Kuya Kris ng dean niyo."
"Talaga? Eh di sasabihin ko kung anong totoong nangyari. Kahit sino pang tanungin nila sa mga nakasama namin kahapon. Siya talaga ang nanguna. Ang bruha talaga 'nun." Napairap tuloy ako sa kawalan.
"Sino ba kasi 'yun? Gusto mo tambangan natin? Anong oras umuuwi ang babaeng iyon?" Tignan mo itong lalaking 'to. Siya pa pa pala ang warfreak sa aming dalawa. Nangunsinti pa eh. Tsk.
Pagkatapos namin mag-almusal, dinaan muna ako ni hubby sa clinic na pagmamay-ari ng tita niyang doktor. Sabi ko naman kasing okay na ako. Sinabutan lang naman ako, ang OA naman niya para namang nagilitan ako ng leeg. He's being so paranoid.
Hindi naman niya nabanggit na ang tungkol sa nangyari kahit kanina sa bahay. Hindi ko alam kung iniiwasan niya o ano pero may naamoy akong hindi maganda na para bang may binabalak siya pero itanatago niya.
"Bes! Okay ka na ba? Ano? May masakit ba sayo? Lintek talaga iyong babaeng iyon! Akala mo kung sinong diyosa eh chaka naman!" Humahangos na lapit sa akin ni Krystal pagkatapos akong ihatid ni hubby sa classroom namin. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa habang nakakapit sa braso ko na para bang sinusuri kung may tama ako sa katawan. Isa pa itong paranoid eh.
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun
