23 - Hard Headed
===
Nakaramdam ako ng hilo sa init ng panahon. Gamit ang kanang kamay ko ay marahan kong pinunasan ang noo at pisngi ko na tinutuluan ng pawis. Pambihira, para akong nasa loob ng malaking oven dahil sa init.
Iyong tipong gusto mo na lang magkulong sa isang kwarto kung saan may sampung aircon o kaya lumaklak ka ng shake na mango flavor para malamigan man lang ang katawan mo. Alam mo 'yung mapapahiling ka na lang na sana may snow na bumagsak mula sa kalangitan. The struggle is real.
Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali para makasilong. Tinatawagan at tinitext ko si hubby pero wala naman akong nakukuhang reply mula sa kanya. Nag-alala na talaga ako kaya nagpaalam ako kay Mrs. Ellis na mag early out, nagdahilan na lang ako na may emergency sa bahay. Pumayag naman siya at nagpaalam na rin ako kay Ai bago umalis.
Nagtext si hubby kagabi bago ako makatulog na hindi niya ako mahahatid kaya inihabilin na muna niya kay Kuya Tao ang paggawa 'nun.
"Hubby naman, sagutin mo ang tawag ko." Bulong ko ng makarating ako sa lobby ng kumpanya kung saan siya trainee kasama si Louie. Konting sandali pa ay lumapit na ako sa receptionist para magsabi kung sino ang sadya ko. Nag-iwan ako ng ID saka ako inabutan ng visitor's pass. Sa thirteenth floor pa daw nakalugar ang mga trainees kaya dumiretso na ako sa elevator para umakyat.
Saktong lunch break ako nakarating kaya naabutan kong nasa hallway na ang maraming tao. Sinubukan ko rin na ma-contact si Louie pero hindi rin siya sumsagot. Masyado ba silang busy na hindi man lamng nila masilip ang phone nila o pinagbawalan sila?
Naghanap muna ako ng restroom dahil naiihi na ako at kailangan kong mag retouch ng face powder dahil ramdam ko na ang paglagkit ng mukha ko. Hindi na ako nagulat na may marinig na nagkekwentuhang mga babae sa loob tungkol sa boyfriend ko. He is really indemand, everywhere he goes.
Napangiti na lang ako dahil biglang pumasok sa isip ko ang mukha niya na may nakanuot na noo at nakangusong labi.
I miss him.
I've tried calling him again ang I almost jumped when he answered it. "Hello? Hubby!" No one is anwering but I can hear muffled sounds in the background. Parang maingay at maraming tao. "Hello?" Bad reception. Ugh.
"Hubby ko? Naririnig mo ba 'ko? Hello?" Lumakad ako para makalabas ng restroom at luminga sa paligid. Napanguso ako dahil mas marami yatang tao ang nasa hallway ngayon. "Hubby, nasaan ka na ba? Nag-aalala na ako eh." Para akong maiiyak sa frustration. Nakakainis, lagi naman niyang sinasagot ang mga tawag ko eh.
"Louie!" Napasigaw ako nang makita ko si Louie nakatayo sa gitna ng hallway. Napapalibutan siya ng maraming babae kaya sigurado hindi niya ako mapapansin. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa tabi niya. Agad ko siyang hinila sa braso para matigil sa pakikipag-kwentuhan.
"Aray ko naman! Makahila wagas!" Gulat na sambit niya. I saw how his eyes widened when he saw me standing in front of him. "Hala! Misis Oh! Anong ginagawa mo dito? Surprise visit?" He even made a glimpse on his wrist watch to check the time. "Ang aga pa ha. Diba may OJT ka pa? Anong meron? Balita?"
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun
