Chapter 7 - Quarrel

4.8K 70 6
                                    



I want to surprise hubby. I won two movie tickets from our school activity yesterday. Siyempre, sino pa ba nag isasama ko kung hindi siya. Libre ko siya for the first time, kahit hindi ko naman talaga libre. Basta makakalibre siya ng sine, iyon na 'yon.


I am wearing a skirt that I just bought, paired with a white blouse and flat shoes. I smiled back on my reflection in the mirror. I look and feel great today. Nasa may pinto na ako ng bahay nila nang biglang bumukas at lumabas mula doon ang kapatid niyang si Jeno na naka basketball jersey at may gym bag sa kanang braso.


"Yow, ate Sul! Naks! Ganda natin lalo ha! Saan ang lakad?" Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi. Talaga naman, may pinagmanahan. Kissing monster rin eh.


"Nasa loob ba ang kuya mo? Yayain ko siya mag date eh." I said smiling.


"Huh? Si Kuya? Di niya ba sinabi sa iyo? May lakad siya ngayon kasama si..." Natigilan siya at tinignan lang ako. Parang iniisip niya kung itutuloy niya ba o hindi. I don't like how he looks at me.


"Bakit? Nasaan ba siya?" Medyo inis kung tanong. Bakit kasi ayaw niya pang sabihin.


Tumingin siya sa cellphone niya na parang nagche-check kung anong oras na.


"Tawagan mo na lang kaya ate. Male-late na ako. Sige bye! Love you! Muwah!" Tumakbo siya ng mabilis pagkatapos ako halikan sa buhok. Bakit feeling ko may tinatago siya? Shemay. Nasaan ka ba Sehun?


Dapat yata tinawagan ko muna siya bago ako pumunta. Pero naisip ko hindi ko talaga gagawin iyon kasi it's supposed to be a surprise. Ano ba naman! Minsan na nga lang maisip na mag-surprise, mukhang napurnada pa. Paano na lang gagawin ko sa tickets na 'to. Isang oras na lang magsisimula na. May time indicated kasi sa ticket kaya kailang on time kung hindi invalid na ang passes. 


Sinubukan ko siyang tawagan na pero hindi ko makontak. Naka-ilang subok na ako pero wala pa rin. Hindi nga pala ako nakapag-charge. Pa lowbat na rin ang cellphone ko. Ayoko namang manood ng mag-isa. Ang loner ko naman kapag ganon. Naisip ko si Krystal pero nabanggit niya kahapon na may out of town trip sila ng pamilya niya. 


Kahit walang kasiguraduhan, tumuloy pa rin ako sa mall. Ayoko talagang naglalakad mag-isa sa mall. Muntanga lang ako dito eh. Bahala na nga. Sayang naman ang ticket. Manonood na lang ako kahit solo flight. Malapit na ako sa cinema pero sa kasamaang palad may tikbalang na bumunggo sa akin at tinapunan ako ng malamig na inumin. Shit. My get up is already ruined. 


"Stupid." Stupid? Tama bang rinig ko? Stupid daw? Aba letsugas ito ha!


"Stupid? Hoy! Ang kapal mo naman! Ikaw ang bumunggo sa akin, ikaw pa ang galit?" Rumble part two ba ito? Pilit kong tinatanggal ang dumi sa suot ko pero shemay lang talaga wala nang pag-asa pa. Naiiyak na ako sa inis. Lahat naman ng kamalasan nag sabay sabay pa!


"Bakit ka umiiyak?" Teka nga, pamilyar sa akin ang boses na 'to eh. Itinaas ko ang ulo ko para makita ang mukha niya. 


"Jo-Joe?" What a coincidence.


"Ano ba naman." Inis niyang bulong, Hinawakan niya ako sa braso at hinila palayo . Saan ba kami pupunta? 


Dinala niya muna ako sa isang store. Wala pa yatang limang minuto, may hawak na siyang paper bag na may lamang mga damit. Binili niya ako? Seriously? Hawak niya pa rin ako at hindi binibitawan hanggang sa makarating kami sa girls' comfort room. Te-teka? Bakit pa siya sumasama sa loob? Baliw 'to ah! Binuksan niya isang cubicle at pinapasok ako sa loob sabay bigay ng paper bag sa may diddib ko.


"Isuot mo 'yan. Hihintayin kita dito." Hindi na ako nakasagot at mabilis na lang ako nagbihis. Bumili siya ng skinny jeans at isang plain tshirt.  Binalik ko na lang sa paper bag nag mga namantsahan kong damit at binitbit palabas ng cubicle.


Hindi talaga siya umalis. Nakasandal siya sa may sink at nakapamulsa. Napaatras ako ng lumakad siya papunta sa akin.


"Tsk. Crying baby." Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa mukha ko at pinunasan ang natitirang luha. Ganito talaga ako, kapag sobrang inis ko na bigla na lang ako napapaluha. 


"Crying giant baby." Tinaggal niya na ang kamay niya sa mukha ko at natawa ng mahina.


"Syete!" Napasigaw ako nang maalala ko iyong movie. Kailangan ko na mapanood. Ten minutes na lang, magsisimula na. Ang tagal ko pa namang hinintay ito. Hinila ko na si Joe. Siya na lang ang isasama ko. Sayang naman kasi kung walang makikinabang. 


Madilim na nang pauwi ako ng bahay. Walang kibuan kami ni Joe habang nanunuod ng movie hanggang sa maghiwalay kami pauwi ay simpleng paalam lang ang sinabi namin sa isa't isa. Hindi naman kasi kami close at ewan ko ba kung bakit ko pa siya hinila para manuod.


Malapit na ako sa gate namin nung mapansin kong may anino ng isang tao. I felt kind of scared. Mamaya serial killer pala iyon eh. Nagdalawang-isip pa ako kung maglalakad ako pabalik pero hindi ko na tinuloy kasi nakita kong humakbang iyong lalaki at naaninag ko na ang mukha niya dahil sa liwanag na galing sa poste.


"Bakit ngayon ka lang?" Galit niyang tanong.


"Namasyal ako. Bakit ba?" Siya pa ang galit ngayon. Saan ba siyang lupalop ng mundo sumuot? Dapat date namin ito eh. 


"Don't answer me that way. Saan ka galing? Bakit hindi ka nagpaalam? Hindi mo ba alam na nag-aalala ako? I can't fucking  contact you!" Bakit niya ba ako sinisigawan?


"Sinisigawan mo ba ako? Eh ikaw? Saan ka ba galing? Bakit hindi ka rin makontak? Ha?" Inis kong sagot sa kanya.


"Huwag mo akong tanungin pabalik. Saan ka galing? Sinong kasama mo?" Agh! Letse naman Sehun! 


"Ewan ko sayo!" Sa sobrang inis ko, iniwan ko siya at mabilis akong naglakad papasok ng bahay. Nakakainit ng ulo. Siya pa talaga ang may ganang magalit.


Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon