I can't pick just one person to dedicate this chaper to, so this one is dedicated to all of you who support this story, especially to those who always put comments. Appreciate it. xoxo. <3
===
Dumaan na ang isang linggo pero wala pa rin si hubby. Hindi pa rin siya umuuwi. Dahil may malakas na bagyo, ay nakansela ang byahe nila pabalik. Hindi na rin kami masyadong nagkaroon ng komunikasyon nung mga nagdaang araw at hindi ko na rin alam kung anong na ang balita o nangyayari sa kanya.
Alam ko naman na kahit busy siya, talagang gumagawa siya ng paraan para makapag-usap kami pero dalawang araw na yata ang lumipas nung huli ko siyang nakamusta at wala na talaga. Hindi na nga ako halos makakain dahil sa pag-aalala. This is not the usual him. He never makes me worried like this.
Madalas rin na walang kuryente sa bahay dahil sa bagyo kaya kung hindi ako lowbat hindi naman ako maka-connect sa internet. Nakaka frustrate. Iyong feeling na parang may nakadagan sa dibdib mo dahil hindi ka mapakali. Haaay. Hubby. Umuwi ka na please. Kaya mo pa ba na mas matagal tayong hindi magkasama? Kasi ako talagang mababaliw na.
Nung makarating ako sa university, naabutan kong nagkakagulo ang mga classmate ko sa classroom namin. Napatigil ako at sinubukan tingnan ang pinagkakaguluhan nila pero hindi na ako masyadong nag-effort dahil nakakatamad.
Napansin kong may mga ilan sa kanila na napatigil at tumingin lang sa akin pagkatapos ay nagbulungan. Ang weird nila ngayon. Anong problema nila sa akin? Nagdesisyon nalang akong umupo dahil wala talaga ako sa mood.
Napalingon ako sa kaliwa ko nang maramdaman kong umupo si Krystal sa tabi ko. Nakanguso siya habang nakatitig sa cellphone niya. Sinundan ko ang tingin niya at lalo yata akong naghina nung makita ko na picture ni hubby iyong tinitingnan niya at malakas ang kutob ko na iyon din ang pinagkakaguluhan nilang lahat.
Nanlumo yata ako dahil hindi lang basta picture ni hubby ang nakita ko dahil hindi lang siya ang laman noon. May kasama siyang babae. It looks like an offscreen shot. Nakatayo silang magkaharap sa isa't-isa. Just inches apart.
Medyo nakatingala iyong babae kay hubby dahil mas matangkad siya. Kahit nakatagilid iyong babae, halatang ang ganda niya at napaka sexy ng katawan. I think she's one of the model that hubby is working with. She has this long wavy brown hair and she looks so classy.
Kung hindi ko siguro boyfriend ang nasa picture, pag-iisipan kong may relasyon silang dalawa. They are looking straight in the eye of each other like they are nobody else in the room. It almost looks like a paparazzi shot to a famous couple. Psh.
The girls is like saying something and hubby is listening intently to her. I felt a pang on my chest.
Shit. Bakit ko pa kailangang makakita ng ganoong picture kung kailan sobrang lungkot at down ng pakiramdam ko. I know that I shouldn't assume or think of something bad. It's just a freaking picture at hindi dapat ako mag- over react. Bakit ang sakit?
Pero kasi ano bang dapat kong maramdaman at maisip? Hindi na nagpaparamdam sa akin ang magaling boyfriend tapos may makikita pa akong babaeng kasama niya. Normal pa naman siguro ang nararamdaman ko diba?
![](https://img.wattpad.com/cover/18147228-288-k566525.jpg)
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun