"Open this door." Sinundan niya pala ako. Kumakatok siya sa pinto ng kwarto ko ngayon. Humiga ako nang patigilid sa kama habang tahimik na umiiiyak. Ang moody ko na yata. Nakakainis naman kasi siya eh. Sinigawan niya ako. Hindi ko siya pinansin kahit hindi siya tumitigil sa pagkatok.
"Baby, come on, open this door." Ang lambing ng boses niya habang nakikiusap. Sumisinghot lang ako dito habang sinusubukang punasan ang luha ko. Ayaw kasi tumigil sa kakatulo. Tahimik ang paligid kaya alam kong narinig niya ang iyak ko.
"Baby, please." Buti naman lumamig na ang ulo niya. Dahan-dahan akong tumayo at binuksan ang pinto. Tumalikod ako kaagad, bumalik sa kama at nagtalukbong ng kumot sa buong katawan ko. Naramdaman ko na umupo siya sa gilid ko.
"I'm sorry baby. Let's talk. Stop crying." Sinusubukan niyang tanggalin ang kumot ko pero hinihigpitan ko ang hawak ko. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
"It's my fault. Forgive me. Sorry nasigawan kita, nag-alala lang ako. Kanina pa kita hindi ma-contact. Maliwanag pa, hinihintay na kita sa labas ng bahay niyo pero nagdilim na lang wala ka pa. I'm just so damn worried. I'm really sorry."
Kanina niya pa ako hinihintay? Kawawa naman pala ang hubby ko. Nung sinubukan niyang tanggalin ang kumot na nakatabing sa akin, hinayaan ko na. Napanguso ako at napaupo. Magkaharap kami ngayon habang nakaupo rin siya sa kama ko.
He wiped my tears using his two gentle hands. I can see in his eyes that he don't want to see me crying. I'm sorry hubby, am I being a burden? Ikaw naman kasi eh. Saan ka ba nagpunta?
"Na lowbat kasi ako kaya ganoon." Tumango siya sa akin.
"Nagpunta ako kanina sa bahay niyo." Mahina kong sabi habang nakatingin lang kami sa mata ng isa't-isa.
"I know. Sinabi sa akin ni Jeno. May nilakad lang ako sandali pero umuwi rin ako kaagad kaya hindi ko na sinabi sa iyo. Where did you go?"
Sasabihin ko ba? Baka mag-away kami ulit kapag nalaman niyang ang kasama ko pa eh ang mortal enemy niya.
"Nagpunta ako ng mall." Hindi naman ako nagsinungaling. Hindi ko lang sinabi na may kasama ako.
Bago pa siya makasalita ulit eh niyakap ko na siya ng mahigpit sa may leeg.
"Hubby! I miss you." I buried my face on his neck. "Bakit ang bango bango mo. Nakakagigil." Binigyan ko siya ng kiss sa buhok niya tapos sa pisngi. Bakit ba ang fresh niya lagi? Nakakadik ang amoy niya.
"I miss you more baby." Inalis niya ang pagkakayakap ko kanyang leeg at siya ang yumakap sa akin. We stayed lying on my bed while watching a movie. A very sad movie. I can't believe I'm crying again. Si Yesung naman kasi. We are watching Miracle in Cell Number 7 and I swear this movie can really play with your emotions.
We are leaning on each other while I'm holding my tissue, crying. Nakakumot rin kami kasi malamig dahil sa aircon. Nakaakbay lang si hubby sa akin. I tried peeking and I saw him sleeping while still holding me. Hubby ko talaga, sweet kahit tulog.
Nakita kong umilaw ang cellphone niya. Nakalagay iyon sa tabi ng laptop. Sinilip ko at nakita ko na isa iyong text message. Sobrang komportable na kami ng hubby ko sa relasyon namin kaya kahit cellphone namin hindi namin pinagdadamot sa isa't-isa. Minsan nga nagpapalit pa kami ng cellphone kapag trip niya.
Inabot ko ang cellphone niya, unregistered number. Binukasan ko at binasa.
I enjoyed spending the day with you. <3
The text says.
Sino ba 'to? Tsaka bakit may heart sign? At bakit may spending the day with you? Hindi basta nagbibigay si hubby ng phone number niya kaya sino ba ito. Baka naman wrong sent?
Umilaw ulit ang phone niya at saka ko nalaman na hindi wrong sent. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.
Thanks Seh! You promised me, may next time pa. I missed you so much and today's bonding was not enough haha :)... Can I call you? You ain't busy?
Aba! Seh? Seh ang tawag niya sa hubby ko? Close sila ganoon? Pucha. Siya ba ang dahilan kung bakit wala itong katabi nang sobrang aga pa lang?
The other woman is now calling. I did not think twice and I tapped the answer button immediately.
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun