Chapter 48 - Surprise

2.5K 54 15
                                    

I have a surprise for you.

I found that note on my locker. It was written on a small piece of paper. Kanino naman galing 'to? Napanguso ako habang nag-iisip. Kay hubby kaya? Pero magkasama lang kami kanina. Kapag may sasabihin siya tinatawagan niya ako o kaya ay sa personal niya sasabihin.

Wala pa akong naaalalang pagkakataon na nag-iwan siya ng note sa locker ko. Baka naman may pasabog siyang gimik. Natawa ako sa naisip kong 'yon. Surprise nga pero bakit may pasabi?

Hindi ko naman birthday. Wala namang okasyon. Ipinasok ko na lang  ulit ang note sa loob ng locker at hindi muna inisip ang laman 'nun. Paspasok ko ng classroom ay nakita ko agad si Jammy na nakaupo sa katabing silya ko at mukhang maputla.

"Jammy, may sakit ka ba? Ang putla ng itsura mo. Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ko agad sa kanya pagkaupo sa tabi niya. It's Math time again. 

"Pagaling na ako Unnie." Malungkot niyang sagot. Halatang nanghihina pa siya.

"Sigurado ka? Parang hindi mo pa kaya eh. Tara sa clinic. Mag excuse na lang tayo sa prof natin." Bahagyang nagliwanag ang mukha ni Jammy sa sinabi ko. Sunod sunod ang tango niya at hinila ako patayo.

Pagdating namin sa harap ng clinic ay nagulat ako nan bigla niya akong pihitin paliko at palayo doon. "Jammy, dito na ang clinic. Saan ka pupunta?" Pilit kong itinitigil ang paglalakad niya pero parang wala siyang sakit sa paraan ng paghila niya sa akin.

"Samahan mo muna ako Unnie." Parang kanina lang ang tamlay niya pero ngayon bigla siyang nagkabuhay. "Saan ba tayo pupunta?" Hindi na siya sumagot at nginitian lang ako. Anong plano niya?

Nagulat na lang ako nang makarating na kami sa tapat ng covered gym. Maririning mula sa labas ang ingay ng sapatos ng mga players. May practice sila hubby ngayon. Malapit na rin ang second game nila para sa finals kaya mas matindi na ang pag-eensayo nila.

Hinila ako ni Jammy sa gilid. May liwanag na nanggagaling mula sa maliit na butas. Sumilip siya doon at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Look Unnie! Operation stalking Oh Sehun. Hihi. Kahit ipagbawal nila ang manuod ng practice, I still have my ways." Kumindat siya sa akin at napakunot ang noo ko pero nakuha ko agad ang gusto niyang iparating.

Kailangan ko yatang sabihin kay hubby na may butas dito para mapatakpan nila agad. Hindi lang si Jammy ang pwedeng makakita nito.

Hinawakan ko siya sa balikat para pigian dahil mukhang sisilip na naman siya. "Baka mahuli nila tayo dito. This is strictly prohibited Jammy. Alam mo na naman ang paghahanda nila para sa finals diba? Kapag may nakakita sa atin dito, malaking gulo 'yon kaya umalis na tayo."

Biglang dumilim ang mukha niya at nalungkot. "I know. Kasi naman eh! Dahil nagkasakit ako kahapon hindi ako nakapasok sa school. Tapos mababalitaan ko pa na may surprise appearance pa si Sehunnie. Unfair! I wanted to be there too! Sana napanood ko siya. Alam mo 'yong feeling ng sobrang panghihinayang."

Halos maiyak siya habang naglilitanya. Nakaramdam rin ako ng lungkot para sa kanya. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya madidismaya ako kapag napalampas ko ang ganoong pagkakataon.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon