Pinilit kong pumasok nung sumunod na araw. Masama na talaga ang pakiramdam ko at parang konti na lang bibigay na ang katawan ko. Dahil na rin siguro sa hindi ko pagkain at hindi ko pagtulog ng maayos.
Kahit sino naman siguro ayaw ng ganitong pakiramdam, feeling ko puro stress na lang ang meron ako ngayon pero kailangan kong maging malakas. Hindi naman kasi pwedeng umiikot lang at nakadepende sa isang tao ang mundo mo. Iyon na lang ang pinipilit kong ipasok sa utak ko. Kasi kapag naiisip ko siya, nalulungkot ako. Ewan. Bahala na.
Bago ako dumiretso sa classroom namin, dumaan muna ako sa restroom. Kakapasok ko pa lang sa isang cubicle ay may mga kasunod ng pumasok at naririnig ko ang ingay nila. Mga tatlo o apat na babae yata sila.
"You should buy this shade too. Ang ganda, imported pa 'to galing Paris. Ang sosyal ng pagkapula o try mo." Dinig kong sabi nung isang babae.
"Infairness, ang ganda ng taste mo girl. Red looks good on my lips. Let me try." Pamilyar sa akin ang boses ng babaeng sumagot.
"OMG. Mukhang hiwalay na talaga sila. Look oh! My gosh! Akala ko hindi mo na talaga mapaghihiwalay ang dalawang 'yon eh. Well, akalain mo nga naman. Only time can tell. Buti naman at nagising rin sa katotohan si Sehunnie."
Bubuksan ko na sana ang pinto ng cubicle pero natigilan ako nagpasyang maghintay na lang bago sila umalis. Parang naningas ang buong katawan ko ng banggitin nila ang pangalan ni hubby. Si hubby ang pinag-uusapan nila diba? Siya iyon, sigurado ako.
"Patingin nga girl." Tumahimik sandali at mukhang may tinitingnan sila at mahihinang bulong at pagsinghap na lang ag narining ko. Ano ba iyon?
"What the! Seriously? Haha. Sinasabi ko na nga ba! Eh sino ba namang makakatagal sa babaeng iyon. May itsura nga pero tatanga tanga naman. Ang lampa pa eh ang laki laki na. Hahaha." Sabay sabay silang tumawa at kahit ang lakas ng tawa nila pakiramdam ko para akong nabingi. Hindi man nila sabihin ang pangalan ko, alam ko na ako iyon.
"Ya right Cindy! Naku kung hindi lang siya kapatid ni Kris at Tao, matagal na siyang na-bully. Sobrang ganda ng pinalit sa kanya ha. May class at hindi mukhang isip bata." Tumawa pa ulit sila. Ngayon alam ko na, kaya pala pamilyar ang boses nung isang babae. Si Cindy pa la iyon, iyong matagal ng may gusto kay hubby na nakaaway ko dati.
Pakiramdam ko bigla akong nanlamig. Parang tinutusok ang dibdib ko ng maraming karayom. Alam ko na lampa ako at may pag-isip bata minsan pero hindi naman iyon ang magiging dahilan para hiwalayan ako ni hubby diba? Hindi. Hindi na iyon magagawa.
Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. I shouldn't be hurt with their words. No. Hubby told me na sa kanya lang ako dapat makinig. Sa kanya pa rin ako maniniwala. Hangga't hindi sa kanya nanggagaling, wala akong dapat ibang paniwalaan. I will trust him. Hindi ba iyon ang tama?
Hubby, nasaan ka na ba kasi? Ayaw mo na malungkot ako diba? You don't wanna see me like this. Wala ng nag-aalaga sa akin. Umuwi ka na please.
Nang makaalis na sila. Madali na rin akong lumabas ng restroom dahil konting minuto na lang male-late na ako. Pagkapasok ko ng classroom ay nakita kong tumingin sa akin si Krystal at nginitian ako, nginitian ko rin siya ng tipid pabalik.
![](https://img.wattpad.com/cover/18147228-288-k566525.jpg)
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
أدب الهواة"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun