Chapter 46 - Fighting

2.1K 60 16
                                    

Ang aga kong umalis ng bahay namin. Balak ko sana na i-surprise si hubby at sunduin siya para sabay kaming pumasok sa school. Kanina pa nga ako naghihintay sa tapat ng bahay nila, mag tatatlumpong minuto na yata pero wala pa rin siya. 

Simula nang magkatampuhan kami, hindi niya na muna ako sinusundo pero nagpapasabi siya kanila kuya na isabay ako sa pagpasok. Wala namang sinasabi sila kuya pero alam kung may ideya na sila na hindi kami okay.

Sa inip ko ay sinisipa ko na lang  ang malilit na batong nakakalat sa harapan ko. Kumakanta kanta na lang rin ako ng mahina pangpalipas oras. Ayokong mag doorbeel kasi gusto ko na masurprise siya paglabas niya. Tumitingkayad pa ako para silipin ang ang gate nila hubby, para namang maaaninag ko eh ang taas. Hay, Sulli minsan talaga bopols ka kahit ang ganda mo.

Napahakbang ako palapit dahil narinig ko ang ingay na nanggagaling sa gate nila, mukhang may lalabas na. Nakaramdam ako ng excitement, mula kasi nung dinala ako ni hubby si hospital. 'Yung nagkiss kami, ehem.... hindi na niya ulit ako ni-kiss. Nakakainis. 

Kinilig ako ng sobra kasi bigla niya ako hinalikan ng parang walang bukas pero pagkatapos 'nun balik na ulit siya sa pag-iwas sa akin. Gumaling na at lahat ang mga sugat ko pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Hay. Ano ba kasing dapat ko pang gawin?

"Good morning!" Bati ko sa taong papalabas ng gate pero natigilan ako dahil hindi pala si hubby iyon kung hindi ang kapatid niyang si Jeno.

Humarap siya sa akin pagkasara niya ng gate. Nakasuot na siya ng school uniform at may back pack sa na nakasukbit sa balikat at mukhang papasok na rin sa eskwelahan. "Oh, ate Sul? Nagkasalisi yata kayo ni kuya. Kanina pa siya umalis eh. Hindi mo muna ba tinawagan?"

"Ha?" Nanlumo ako sa sinabi niya. Ang aga naman yata niya umalis eh may isang oras pa bago ang una naming klase. Hindi naman iyong pumapasok ng maaga, pwede pa kapag kasabay ako pero kung siya lang, hindi siya sa sakto sa oras o kaya ay late naman.

"Uhhmmm?" Nag-aalangang sagot ni Jeno. Hindi ko nga alam kung paano ako sasagot pabalik sa kanya.

"Ha...ah eh... nawalan kasi ako ng load. Oh sige Jeno. Una na ko ha, Bye! Ingat ka." Umiwas na lang ako para hindi na namin mapag-usapan pa. Lumapit muna ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago nagpasyang lumakad na palayo. Pumara na lang ako ng taxi na dumaan habang busangot ang mukha ko. Nakakainis. Sira agad ang plano ko. Epic fail. Letsugas.

Mas nalungkot ako kasi natapos na lang ang araw pero hindi ko nakita si hubby. Hindi siya pumasok sa iilang subject na magkasama kami. Hindi ako sigurado kung pinasukan niya ang iba niyang subject.

I feel so frustrated right now. I want us to be in good terms again but how can I do it if he is not around and he is avoiding me. I tried calling him but I the only thing I'm hearing is the operator on the other line.

"Unnie, okay ka lang ba?" Sinundot ni Jammy ang pisngi ko at nagtatakang tumitig sa akin. Naiwan kami sa classroom para tapusin ang isang project na kailangan naming mapasa bago umuwi.

"Bakit naman hindi? Okay lang ako, medyo pagod lang. Ang dami naman kasing requirements na kailangang tapusin." Pagdadahilan ko sa kanya.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon