Oras na para sa Physical Education class namin. Pinapunta kami ng teacher sa coverged gym. Nasa may bleachers lang kami kasi discussion lang naman kami para sa araw na ito. Ang daming tao, dito rin nagka-klase ang ibang section kapag P.E nila. Napansin kong sa may mismong court nandoon ang basketball team nila hubby. Hindi ko na siya nahanap kasi biglang nagsalita ang teacher namin sa harap para mag discuss.
Hindi nga ako masyadong makapag-concentrate. Paano ba naman itong si Krystal humahagikgik sa tabi ko. Sigurado akong nakita na naman ang crush niyang si Suho. Siya lang naman ang nakakagawa kay bes ng ganitong reaksyon. Ewan ko ba sa babaeng ito. Sa totoo niyan, ang daming nagkakagusto at nanliligaw sa kanya. May mga itsura pa nga ang karamihan pero dito pa talaga siya kay Suho nagkagusto eh hindi naman siya pinapansin. Well, life.
Umalis ang teacher namin at sinabing kopyahin ang lesson namin na nakapaskil sa may board dahil may dadaanan siyang importante sa faculty room. Ang haba naman. P.E ito dapat mas marami ang physical activities kaysa sa sinusulat diba? Anyways, may pagkakataon na akong hanapin ang hubby ko.
Itong mga kaklase ko naman nagdiwang at nagsimula na sa fangirl mode nila. Sikat kasi ang mga basketball players sa school namin. Karamihan sa kanila talagang magagandang lalaki na pinapangunahan ng captain nila siyempre.
Tumalim ang tingin ko nung makita ko si hubby. Hindi dahil sa kagwapuhan niya kung hindi dahil may babaeng linta sa tabi niya. Ay lechugas! Sinong may sabi pwedeng niya hawakan ang braso ng asawa ko? At ito naman lalaking ito parang hindi niya napapansin.
Pamilyar sa akin ang babaeng ito eh. Medyo sikat siya kasi hilig niyang sumali sa mga beauty contests. Meron siyang itim at kulot na buhok at medyo maputi. Kilala rin siya kasi halos buwan buwan yata siyang nagpapalit ng boyfriend. Naku at mukhang next target niya ang pagmamay-ari ko. Subukan niya lang!
"Balita ko, iyan daw ang all girls basketball team ng school bes. Kaya nandiyan ang mga players para i-train sila." Bulong sa aking ni Krystal. Nakita niya siguro ang nagtatakang tingin ko.
Teka nga, bakit ba siya sumali sa eh ang mga sumasali naman kasi sa ganiyan eh iyong mga kilos lalaki at malalaki ang katawan. Napaghahalataang nagpapanggap lang siya. Hindi sa bitter ako pero nakakainis lang kasi.
"Seryoso? Eh mukhang wala naman alam sa basketball iyang babaeng iyan eh. Siguradong nagpapa pampam lang iyan sa boyfriend ko. Paano gagawing panlaban ang team na iyan kung makiri lang ang mga players?"
"Ey sus! Selos ang wife! Sige bes, itong ballpen. Ihagis mo dali! Sa mata ha? Para bull's eyes. Haha." Nakuha pang magbiro nito. Siya kaya ang i-bull's eye ko? Tsk.
Napatingin ulit ako at nakita kong tuwang tuwa ang bruha habang tinuturuan ni hubby. Ano bang nakakatawa? Mukha bang nagbibiro si hubby para tumawa siya? Asan na ba si coach nila? Bakit hinahayaang sumali ang mga mapagpanggap na athlete. Nakaka bad vibes siya ha.
Pinilit ko na lang na mag-concentrate sa pagsusulat para hindi ako makapag-isip at makagawa ng masama. Lagot ka sa akin mamaya hubby. Sinong may sabing hayaan mo siyang landiin ka. Talaga naman!
Hindi ko mapigilan na tumingin ulit sa puwesto nila at sakto namang napansin kong tumigil si hubby at pumunta sa bench kung saan nandoon ang ilang bags nila. Umupo siya at kinuha ang cellphone niya. Sakto. Mabilis kong kinuha ang phone ko at nagtext.
'Hubby!!! >.<'
'What's with that face baby?'
'What mo iyang mukha mo! Lagot ka sa akin mamaya!'
'Why?'
'Basta.' Iyan lang ang huli kong natext kasi biglang dumating ang teacher namin. Napatingin muna ako sa may bench at mukhang nakita ako ng magaling kong boyfriend kasi nagtatakang nakatingin siya sa akin.
Tinaas ko naman kaunti ang kanang braso ko at umamba ng nakakuyom na kamao. Tipong naghahamon ng suntukan mamaya. Natawa pa siya sa ginawa ko. Hindi ako nagpapatawa hubby, lagot ka talaga sa akin mamaya. Ako lang ang pwedeng lumandi sa iyo. Hmp!
Nung dumating na ang uwian, nagpunta na ako sa gym para hintayin si hubby. Bago kasi sila umuwi may practice muna sila para sa basketball. Umupo ako sa bench malapit sa locker. Napa-angat ako ng tingin nang marinig kong naglalabasan nila.
"Oy! Misis Oh! Waz Up?"
"Ganda talaga mag girlfriend ni captain. Blooming lalo!" Nakarinig naman ako ng tawanan nila nang biglang napa-aray yung lalaking nagsalita. Paano ba naman binatukan siya ni hubby.
Nagpaalam sila sa amin at naiwan kami ni hubby. Hindi ako tumatayo at hinintay ko talagang makaalis muna sila. Nung makalabas na silang lahat, agad akong tumayo at piningot ang tenga niya.
"Hoy lalake!"
"Aish! Aray! Bakit ba?" Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakahawak ko sa tenga niya at mas lalong hinigpitan. Namumula na nga eh.
"Sinong may sabing mambabae ka ha? Akala mo hindi ko nakita iyon?"
"Teka? Anong mambabae? Kailan ko naman ginawa iyon? Shit baby! Alisin mo muna ang kamay mo. Masakit!" Inalis ko naman. Nakakaawa naman siya. Tsk!
Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ano ba 'yon?" Tanong niya.
"Kunwari hindi mo alam?" Inirapan ko siya.
"Alin ba kasi? Sabihin mo na. Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Talaga palang hindi ko malalaman dahil hindi naman ako nambabae." Seryoso niyang sagot. Talaga lang ha.
"Iyong babaeng kulot!"
"Babaeng kulot? Sino ba 'yon?"
"'Yung tinuturuan mo kanina! Ang babaeng tuko na nakakapit sa iyo na hindi ko alam kung bakit eh hindi naman sumo wrestling ang sports niyo." Nakahawak pa rin siya sa mukha ko niyan.
"Haha. Seriously baby? You think I'll cheat on you?"
"Hindi sa ganun. Ayoko lang na may namamantala sa iyo."
"I won't let them. Ikaw lang ang papayagan ko." Binigyan niya pa ako ng nakakalokong ngiti. Naku Sulli. Gustong-gusto mo naman!
"Sabi mo iyan ha!" Masigla kong sabi.
Ang laki tuloy ng ngiti ko. Eto naman kasing lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun
