Magdadalawang oras na yata akong nakatayo dito sa labas ng covered gym. Hindi naman kasi basta pwede pumasok sa loob kung wala kang koneksyon o personal na kakilala. Napagkaisahan ako ng mga groupmates ko sa PE subject namin. Hindi na nila direktang sinasabi sa akin pero ramdam ko na ako ang sinisisi nila sa pagkatalo namin nung huling activity.
It was a soccer game and whichever team that will lose will do a special project. Ako lang ang pinakamalapit sa net ng kalaban nung sisipain na ng kabilang team ang bola para sa huling shot na magpapanalo sa kanila dahil tabla ang score. Pero dahil nga may pagkalampa ako imbes na mapigilan ko ang kalaban ay nadapa lang ako at naging mas libre pa siya para makagoal.
Nung una naman hindi pumasok sa isip ko na ako ang may kasalanan dahil ako pa nga ang nag effort na habulin siya hanggang sa kabilang side pero nung tumingin ako sa mga teammates ko pagkatapos ng laban, nadismaya ako kasi lahat sila ang sama ng tingin sa akin. Alam ko na ako ang pinagbubulungan nila kahit hindi nila direktang sabihin.
Nalunlungkot talaga ako at naiinis. Kailangan ba nilang manisi pa? Ginawa ko naman ang makakaya ko katulad nila. Hindi ko naman sinadya ang nanyari.
It's almost five in the afternoon. Naagsisimula na ring magdilim ang paligid. Nilalamok na nga ko dito eh. Bakit na ang tagal matapos ng practice nila? Kailangan ko pang hagilapin ang jerk captain ng basketball team kaya ako nandito.
Dahil nga natalo kami, ito ang special project na pinagawa ng professor sa amin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pang kami ang mag-interview sa kanya, hindi naman kami journalism students.
Nung una, iyong mga teammates ko pa talaga ang naprisinta sa interview, nag-aagawan pa nga sila kung sino talaga sa kanila ang kukuha. Kaya nga nagtaka ako nang bigla nilang ipasa sa akin ito eh.
Pumasok rin naman agad sa isip ko na malamang hindi sila pinagbigyan ni jerk face. Sobrang sungit at cold 'nun eh. Kalat rin sa school na hindi siya tumatanggap ng kahit anong interview kahit na napakarami na ang sumubok na makausap siya.
Kahit ayoko naman talaga kailangan ko itong gawin. Hindi lang para sa sarili ko kung hindi para na rin sa mga group mates ko na nagalit sa akin. Siguro kung magagawa ko ito, kahit papano hindi na sila maiinis sa akin. Sana. Ayoko rin naman na may nakakasamaan ng loob.
"Ouch. 'Wag niyo naman akong papakin mga lamok. Ang dami ko ng pantal oh. Maawa kayo, makisama naman kayo sa akin. Aw! Shemay naman! Masakit. Ayts!" Sabay palo ko sa binti ko na kinagat na naman ng lamok.
Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Ang huling pagkikita namin ay iyong niyakap niya ako at pinipilit na sabihin kung anong nangyari kung bakit wala ako sa mood. Hindi ko na kinaya ang tensyon kaya pinilit kong alisin ang braso niyang mahigpit na nakayakap sa bewang ko sabay kagat at tumakbo ako ng mabilis.
I know that was so childish on my side. But that time, I'm not in my right mind because I was so nervous. I was not able to think right because I'm not really familiar with that strong feeling in my chest. It was exciting and scary at the same time. Feeling ko, nasa roller coaster ride ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/18147228-288-k566525.jpg)
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun